NANG maramdaman ni Rena ang enerhiyang naramdaman niya sa kabundukan ay hindi siya nag atubili na magpaalam sa kaniyang master at agad na nagtungo sa pinagmulan ng enerhiya. Sa pamamagitan ng kaniyang enerhiya ay nagawa niyang maka lipad na kasing bilis ng Hangin ang bilis na taglay ni rena ay hindi pangkaraniwan. Nararapat para sa isang 1st level Divine Rank. Ngunit ang kaniyang paruruonan ay mismong nagaganap sa kabundukan. Ang enerhiya ng celestial rank ay nagiging malinaw na sa kaniya. Ang mismong level nito ay sadyang napakabilis umangat. Hindi na nagsayang ng panahon si rena at sa isang kisap mata lamang ay agad siyang napunta sa kinaroroonan ng enerhiya. Nang makarating siya ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan ang nilalang na nagtataglay na lakas ng isang celestial r

