KASALUKUYANG lumilipad sa napakalawak na karagatan ng mga kayamanan sila selene at zuki. Kapansin pansin ang hindi magkamayaw na ekspresyon ng binata. Hindi siya makapaniwala na ganito ang itsura ng Mystical Astrad mirror. Ang paraisong hindi makikita sa ibang pang mundo. Napansin din ng binata ang napaka yamang enerhiyang nakakalat sa paligid. Ang hangin, damo at ibat pang may buhay ay mayroong mayamang kalidad ng soulforce. Ngayon lamang siya nakadama ng ganitong uri ng soulforce. Naisin man niyang huminto para magsanay ay hindi niya magawa dahil may gustong ipakitang lugar ang kaniyang guro. Kasalukuyan silang lumilipad patungo sa timog na bahagi ng Mystical Astrad World. Ang tawag ni selene sa lugar na ito ay ang Doom Valley dahil sa kakaibang pangyayari sa lugar na ito. Dahil sa Do

