ITO NA YUN! Sabi ng binata at buong lakas nang loob siyang pumasok sa unang palapag. Nang makatapak siya sa loob ng unang palapag ay kaagad naalerto ang mga nilalang na nasa unang palapag. Mayroong mga 5th Celestial Beast Rank na nag aatrasan at mayroon namang mga 9th Celestial Beast ang mga nangunguna at pinoprotektahan ang mga mababang nilalang. Nang pumasok ang binata ay napansin niya na puro celestial beast lang ang nasa unang palapag. At napansin niya ang nakakasulasok na amoy ng mga dugo na nagkalat senyales na nagkakaroon ng kaguluhan sa Loob ng Tower Of Doom. Marahil ay ilang mga labanan na ang naganap sa loob ng unang palapag. Tumingin si zuki sa buong paligid at saka niya nakita ang mga kalansay ng mga vicious beast at ang kagimbal gimbal sa mga kalansay na ito ay mararamdaman

