SA ISANG silid sa loob ng unang palapag ng Tower of doom ay makikita ang isang pamilya ng Snow Fanged Sabertooth ay makikita ang isang adventurer na mahimbing na natutulog. Halos isang araw na itong walang malay matapos niyang maisagawa ng maayos ang paggamot sa isang snow fanged Sabertooth. Ang aura ng adventurer ay nalalapit nang tumuntong sa susunod na ranggo. Ang kaniyang ranggo bilang isang 10th level celestial rank ay malapit na niyang malampasan. Ang adventurer na ito ay walang iba kundi si Zuki Takigawa. Ang adventurer na nagmula sa ibang mundo at naging tagasunod ng diyosa ng buwan at ngayon ay humaharap sa isang misyon. Misyon na paslangin ang lahat ng halimaw na naninirahan sa buong doom valley. Pero dahil sa system ay may kaunting pagbabago sa misyon ni zuki takigawa. Ang g

