CHAPTER 4
"ALFONSO?" Tawag niya sa'kin habang ang mga braso niya ay nakasampay pa sa aking leeg.
"I..."
Kunot noo ko siyang pinasadahan ng tingin dahil sa pagputol ng kanyang sasabihin.
"What?!" Usal ko sa kanya.
"I can't breath! Umalis ka nga sa itaas ng katawan ko! Ang bigat mo para sa kaalaman mo!"
Akala ko pa naman kung ano na.
"Hoy! Alfonso alis sabi!" Singhal pa niya sa'kin.
"Aba! Hindi porket pinag-bigyan kita, e sisitahin mo na ako! Don't me at baka tupakin ako at maikama na kita nang tuluyan kahit wala ka sa tamang wisyo mo. Pasalamat ka mabait ako ngayon."
Usal ko sa kanya at umalis na sa itaas ng katawan niya.
"Kunwari ayaw. Gustong-gusto naman."
Pabulong niyang sabi.
"I hear you, Isabela." Anas ko. "I know you're not ready, halatang kabado ka masyado. First time?" Ningitian ko siya ng nakakaloko.
"Pakialam mo?!" Pag-iiwas niya nang tingin sakin.
"I care because ako lang naman ang makakasalamuha mo bawat gabi kung handa ka na talaga." I grin.
"Dinaig mo pa ang isang kasintahan." Simangot nito at magbihis ng damit.
Lumapit ako sa kanya at ako na mismong nag sarado ng mga butones ng kanyang damit. Natigilan naman siya at tinitingnan ang aking ginagawa.
"Next time, ako na ang maghuhubad ng damit mo para 'di ka na mag-effort pa at ako na rin ang magpapasuot sa'yo pagkatapos."
Wika ko at bumangga pa ng kamay ko sa kanyang dibdib.
"Sarap mong lapangin sa totoo lang." Usal ko.
"Walang laman 'yang utak mo kundi kamanyakan! Gwapo nga, manyak naman. Sayang."
"Paano naging sayang? E, magagamit mo rin ako sooner or later."
"Lalabas na ako, magbihis ka na, dami mong pandesal." Naka-ngiwi pa nito sabi.
"Hawakan mo lang at isang iglap nasa kama kana ulit."
"Tsk! Tsk!" Pailing-iling pa ito at akma niya na akong tatalikuran.
"Wait!" Pagpipigil ko. "Hindi naman kita minamadali, pero h'wag mo namang patagalin. Tigang na ako, kung alam mo lang."
"Hindi ko na 'yan kasalanan. Nandito na nga ako, nag e-inarte ka pa." Tumaas ang kilay niya.
"Look, I just want to be a nice person to you, nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo kaming mga lalaki madaling uminit lalo na't kaakit-akit ang nasa harapan namin at nakaka-libog. Pinapakalma ko na nga lang ang aking sistema. Pasalamat ka pa nga nakakapag-pigil pa ako."
Napatungo siya sa sinabi ko.
"Okay, pasensya. Salamat naman kung ganun." Napapahiya nitong sagot sa akin.
"Kapag bumalik ka pa dito sa kwarto ko.... sinasabi ko na sa'yo, Isabela."
"Ano!?"
"Hindi ka na makakalabas agad dito," Hinapit ko ang baywang niya at ginawaran ng halik. "Paghinga mo lang nang malalim ang pahinga mo." Ngumiti ako ng nakakaloko. Sa sinabi ko ay nagulat talaga siya.
"Lalabas na ako, 'yong kape mo, inumin mo na 'yan ng kabahan ka sa mga sinasabi mo."
"Okay! See you later? Tomorrow? Nextday?"
"Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga!"
Hindi ko na siya pinigilan at hinayaang makalabas ng kwarto.
Napaupo ako sa paanan ng aking kama at naka-patong ang dalawa braso sa aking hita at napa-hilamos.
"Damn it!" Bulalas ko.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkadismaya sa aking sarili.
Wala man lang siya ginawa, pero bakit hindi ko nagagawa ang mga ginagawa ko sa ibang babae?
Napa-buntong hininga nalang ako at saka tumayo. Dumulog ako ang aking cabinet at naghanap ng masusuot.
"Kakaiba ka talaga, Isabela."
Dapit-hapon at naisipan kong tumambay sa harden. Presko ang hangin doon at tahimik ang kapaligiran. Pumuwesto ako malapit sa may punong malaki. Hindi pa naman ako nagtatagal doon ay may napuna na agad ako.
"Isabela?" Tanging sambit ko. May kausap ata sa phone niya.
Sabi ni Manang Lodie magpahinga siya. "Hard Headed ka talaga." Hindi ko nalang muna pinansin at pasimpleng pinagmasdan ang kilos niya.
Maya-maya lang ay tumaas ang boses niya at doon ko nalang narinig ang sinasabi niya.
"Tangina mo! Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo, Robert! Nakakasakal kana! Kailangan ba bawat kilos at galaw ko aalamin mo?! Puunyeta!" Lakas maka-mura. "Oo! Sawang sawa na ako! Lahat nalang inintindi ko para sa'yo. Lahat nalang sumang-ayon ako sa gusto mo! Ano ba pa ang gusto mo? Ha?.... Ganun? E, di... doon ka maghanap ng tawag ng laman mo! Pasensya, kung 'di ko maibigay-bigay ang gusto mo.... Ano! Wala akong iba! Oo... Anak 'yon ng amo ko. E, bakit ba?!" Ako ata ang pinag-uusapan. Hindi maibigay? Ibig sabihin, berhen pa talaga siya? For real? Woow!! "Bahala ka sa buhay mo! Isipin mo kung anong isipin mo! Pupunta? Dito? At bakit?.... Talaga lang hah? E, kung ipapadimanda ka no'n? Anong laban mo? Trespassing 'yang gagawin mo! .... Gago kaba?!" Tss... Mukhang alam ko na ang gagawin ng Robert na 'yon ah! Tsk! Tsk! "Bahala ka na sa buhay mo! Oo minahal kita dahil ang akala ko, ganun ka rin sa'kin." Napansin ko nalang na ngpupunas na ito ng luha sa pisngi niya. "H'wag na h'wag ka ng magpapakita pa sa akin. Tapos na tayo, malaya na ako, malaya ka na. Salamat."
Tumingala ito at nagpipigil ng kanyang luha. Napaupo nalang ito sa may mahabang bangko, at doon ko siya nakitang gumagulhol ng tuluyan.
Lalapitan ko na sana siya ng dumating si Viktor.
"Sabi gabi ang uwi. Tss... Himala." Usal ko at napa-tingin nalang sa kanila.
Agad siya niyakap ni Viktor. Hinagod pa ang likod nito para pakalmahin. Napapa-titig lang ako sa kanila. Nakapalmulsang pinagmamasdan ang dalawa.
Maya-maya lang ay kumalas sa pagkakayakap si Viktor, at ngumiti ito kay Isabela.
Damn! Pakiramdam ko nagseselos ako. Pero wala naman dapat ikaselos, hindi ko naman siya nobya or what.
Patango-tango si Isabela sa mga sinasabi ni Viktor sa kanya. Ginulo niya pa ang ang buhok ng isa bago ito umalis.
Naiwang nakatayo si Isabela habang pinag-masdan ang paglalakad ni Viktor papasok sa loob ng bahay.
Aalis na rin sana ako ng biglang nagtama ang aming mga tingin.
Siya na rin mismo ang umiwas at naglakad na rin papasok ng bahay.
Bumuntong hininga nalang ako at saka naglakad na rin papasok ng bahay. Pupuntahan ko ang kapatid ko, saka ko na kakausapin si Isabela.
Viktor
ANONG nangyari sa babaeng 'yon? Ayaw naman sabihin sa'kin kung bakit siya umiiyak. Agad ko siyang niyakap ng makita kong ganun nalang ang iyak niya.
Matapos ko siyang kausapin ay iniwan ko na siya. Dumiretsyo na ako sa loob patungo sa aking kwarto. Wala ako sa hulog ngayon, badtrip rin ako sa ibang kaibigan ko kaya napaaga ang uwi ko.
Nakita ko si Alfonso na nasa harden rin kanila.
Habang nag-iisip ay may kumatok sa labas ng kwarto ko.
"Come in." Agad naman bumukas ang pinto at iniluwal si Alfonso.
"Napaaga ata ang uwi mo ah? Anong nangyari sa lakad mo?" Bungad niya sa'kin at umupo sa single sofa malapit sa aking kama.
"Badtrip!" Bulalas ko.
He's smirked. "Aba! Ngayon ka pa na badtrip sa buong talambuhay mo? Nice." Loko 'to.
"Look! Badtrip, because of my other friends."
"Why? What happen?"
"Remember, Iya? High school and college friend, then na link sa akin noon?"
"Oh? What about her?"
"Alfinso... untill now tinutukso parin ako sa babaeng 'yon."
"Hahahaha... and so?"
"Anong and so ka diyan?!"
"Anong problema do'n? She's still single at balita ko she's a model, right? Ano pang inaarte mo diyan?!"
"Hindi ako nag iinarte! Sa gwapo kong 'to?! Tsk! Nagkakailangan kasi kami sa restaurant kanina tapos, biglang dumating si Gelbert at saka niya hinalikan si Iya sa labi."
"What?! Aba! Gago rin pala ang isa 'yon. So, anong reaksyon ni Iya?"
"Ayon nagalit syempre at dahil sa 'di rin ako makapag-pigil sinuntok ko."
"Wooah! Hero ka pala ni Iya kung ganun? Hahahaha."
"Tss..."
"Ligawan mo na kasi, baka maunahan ka pa ng Gelbert na 'yon. Look, tinutukso na kayo, at alam mo naman sa iyong sarili na gusto mo siya. Don't deny Viktor,"
"Do you think, she like me too?"
"Anong klaseng tanong 'yan? Para kang teenager! Why don't you try to ask her? O, 'di kaya invite her a dinner, 'yong dalawa lang kayo."
"Wow hah?! Ikaw ba 'yan. Evo Alfonso? Bakit? Nagka-girlfriend ka na ba ng seryoso?"
"Stupid! H'wag mo akong tanungin. Ikaw ang topic dito at hindi ako."
"Fine! Fine. Maka-ulol ka diyan. Sa bagayv we're growing older na, at kailangan ko na atang mag-asawa para naman makabawas ng maraming similya. Hahahaha."
"Gago ka rin! Anong similyang pinagsasabi mo? Sa america ba hindi ka man lang tumikim?"
"Hindi ako kagaya mo, Alfonso. Ibahin mo ako."
"Loko ka, ah?!"
"Lumabas ka na nga! Inaantok ako, shot tayo mamaya."
"Sige. By the way. Anong pinag-usapan niyo ni Isabela? I mean, bakit mo siya niyakap?"
Nabigla ako don sa tanong niya ah! 'Di ko inaasahan na itatanong niya 'yon.
Tinantsya ko siya.
"What!" Usal nito.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Why? Bawal ba? It's okay if you're not answering my question." At agad ito naglakad patungo sa harapan ng pintuan.
"Do you like her?" Naka-halukipkip kong tanong.
Binalingan niya ako at kumunot ang noo niya sa'kin.
"Do you like her?" Tanong ko ulit.
"No! I mean, hindi siya mahirap magustuhan kahit nga siguro ikaw e gusto mo siya kung gugustuhin mo." Naka-pamulsa niyang sagot.
"Yeah! She's pretty at hindi nga mahirap magustuhan pero siya 'yong babaeng mahirap kalimutan. Alam mo 'yong, kapag iniwan mo siya ay pagsisihan mo sa huli. Hahahaha. Werdo pero totoo. Isabela is not like the other woman." Patango-tango ko pang salita. "I wonder why she's crying like that? Hindi niya naman sinabi sa'kin kaya hindi ko nalang pinilit pa. Do you think Alfonso, she have a boyfriend? Then nakipag-hiwalay sa kanya?"
Hindi ito kumibo at halatang napapaisip rin.
"Maybe? Pero kung 'yon man ang dahilan pagsisihan ng lalaking 'yon na iniwan niya si Isabela at makakanap ng mas iingatan siya at hindi paiiyakin."
Nakakatuwa at may kunting alam rin ang kapatid kong 'to.
"H'wag kang praning kung gusto mo siya. Why not? Hindi ka naman bumabase sa estados sa buhay diba? Besides, mom and dad are the same like that. But, dad is a secret haciendero pala pero 'di lang pinaalam kay mommy, kaya no'ng simula ay ayaw pa talaga ni mommy sa kanya. Pero dahil mahal nila ang isa't isa—walang may bumuwag sa kanilang relasyon at nagpakalayo-layo sa mga taong mapanghusga, hanggang sa iniluwal tayo ni mom sa mundo. Matagal rin bago natanggap ng family ni mom si dad, dahil binunyag na rin ni dad ang sarili sa pamilyang Lee. At the end, naging okay naman ang lahat at nagpursige si dad na, he deserved to be a mom's husband." Mahaba kong paliwanag.
Pero no'ng tumagal ay parang may umiba na sa ina namin. Iyon ang hindi ko pa talaga nalalaman. Sooner malalaman ko 'yan.
Tumingin naman ako kay Alfonso at kumunot ang noo niya.
"What?! May mali ba sa sinabi ko? May kulang ba?"
"Dami mong alam!"
"Alfonso real talk. Baka mabalitaan ko nalang buntis na 'yan si Isabela sa iyo."
"Ulol ka talaga! Kung anu-ano ang iniisip mo. Kung magkakagusto man ako sa kanya, diskarte ko na rin 'yon, problemahin mo ng buhay pag-ibig mo kay Iya at h'wag sa'kin."
"Okay! Okay! Relax. High ka naman diyan, Attorney, ma kunan nga kita ng BP. Hahahaha."
"No need! Hindi ako high blood o animic."
"Fine! Lumayas kana sa harapan ko. Baka kung anu-ano pa ang masasabi ko sa'yo."
Sinundan ko nalang siya ng tingin at napa-ngiti ako.
"I like, Isabela pero alam kong may gusto si Alfonso sa kanya. Sa'yo na yan Alfonso do'n na ako kay Iya. Hehehe." Usal ko sa aking sarili.
❤
TULALA ako habang nasa kusina. Ang pagkakaalam nina Manang Lodie at Manang Fe nagpapahinga ako.
"Hey! Are you okay?" Rinig kong may kumausap sa akin.
Nilingon ko siya at agad ko naman iniwasan ang tingin ko sa kanya.
"Mugto ang mata mo. H'wag mo siyang iyakan. He's pathetic person." Narinig niya ba ang usapan namin ni Robert?
"Ayos lang ako. Wala 'yon, gusto ko lang ilabas ang galit ko sa aking sarili ng gumaan ang pakiramdam ko." Pagrarason ko.
"Kaya gano'n nalang ang iyak mo? Pero tama naman 'yong ginawa mo. Hindi naman sa natutuwa ako, narinig ko rin kung paano siya makipag-usap sa'yo."
"H'wag na natin pag-usapan 'yon. Ayos na ako."
"Sabi mo nga. Pero kung gusto mo pang umiyak, go ahead. You are free to cry kung may sakit ka pang nararamdaman sa puso mo."
"Ayos na ako 'no! Bahala na siya sa buhay niya."
Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Ganito nalang. Bukas samahan mo ako... ikaw ang escort ko."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Escort? Saan naman? Bongga siguro 'yan ano?"
"Well, yes! Isang party ng kaibigan namin ni Viktor, at malamang dadalo rin siya. Gabi naman 'yong party kaya 'di ka maiilang sa kanila. Don't worry, 'di kita pababayaan nasa tabi mo lang ako."
Napaisip ako.
"Hey! Ako bahala na bihisan ka. Okay? Kung ang iniisip mo ay ang susuutin mo. Dadalhin kita bukas ng umaga sa kilala ko."
"Tatanggi pa ba ako? May utang pa ako sa'yo."
"Actually, babayaran rin kita."
"Ang ibig mong sabihin, sa'yo na ako mag tarabaho at babayaran mo ako? Ganun ba 'yon?"
"Exactly, tutal wala ka namang masyadong may ginagawa dito sa bahay, 'yan nalang ang gagawin mo. Kung saan may lakad ako na kailangan ng partner ikaw ang kasama ko."
"So, gagawin mo akong girlfriend mo?"
"No." Kumunot ang noo ko. "Because you become my fiancee."
"Ano?! Fiancee? Agad-agad?" Nakakaloka rin ang lalaking 'to.
"Yes! Fiancee... Magpapakilala tayo sa lahat na magiging asawa na kita soon."
"Lupit mo rin, e. Ibig sabihin niyan, hahalikan mo ako sa maraming tao?"
"Relax, It's just only a kiss. Pero naka-depende parin 'yan kung uminit ako at hanapin ko ang init ng katawan mo."
"Kahit kelan manyak ka."
"Nagpapakatotoo lang ako, Isabela. Tutal sinabi ko naman sa nanay at kapatid mo na boyfriend mo ako, so, wala na ng dapat ipangamba."
Napa-buntong hininga ako sa sinabi niya. Nagiisip pa ako ng mairarason ko, pero tila ata sumasang-ayon sa kanya ang tadhana.
"Pero bago 'yan...." Ngumiti ito. "May kontrata tayo." At lumaki pa ang ngisi niya
"Ano ba 'yan! Ang dami mong pasikot-sikot. Paano kapag nalaman ng ina at am mo ang kalokohang ginagawa mo?"
"Ano ba kasi ang inaalala mo? Abogado ako at alam ko ang tama sa mali, kaya nga gagawa nalang tayo ng kontrata para kung 'di mo matapos ang naka sulat sa papel, may penalty ka at kakasuhan kita."
"Hanep mo rin e 'no? Sige nga, saan ang kontrata mo, at ng mabasa ko." Paghahamon ko aa kanya.
Nagsukatan kami ng tingin. At maya-maya lang ay, ngumiti ito.
"Hintayin mo mamayang gabi ipapakita ko sa'yo. Dapat pumerma ka."
"Malamang."
"Alam mo ba kung anong penalty at kaso sa'yo kapag 'di mo natapos ang nasa kontrata?"
"Malay ko sa'yo."
" Well, see."
Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.
Ilang minuto pa ay nagsalita ulit si Alfonso.
"So? Paano? Deal? Madali lang ang trabaho na 'yon. Pero 'yong kontrata kailangan mong sundin."
"Sige."
"Start ka na bukas. Saka, may utang ka pa sakin na dapat binayaran mo na kanina."
Inismiran ko siya.
"See? Nakalimutan mo na agad ang ang lalaking 'yon. Hahahaha!"
"Nasaktan ako, oo, pero hindi ko kailangan ikulong ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko. Akala ko pa naman mahal niya talaga ako. Buti nalang 'di ko isinuko ang gabriela ko sa kanya."
Pasimple ko siyang pinasadahan ng tingin.
"Gabriela? You mean?"
"Virginity ko. Slow mo talaga. Kaya kabadong kabadong ako kanina no'ng ginawa ko 'yong maghubad ako sa harapan mo."
"Sa edad mong 'yan? Berhen ka pa?"
"Hoy! Ano akala mo sa akin? Kagaya ng ibang mga babae diyan?! Kaya nga kapag naglapat 'yang labi mo sa labi ko at sa leeg ko nanginginig ako. Ramdam mo naman 'yon diba?" Paliwanag ko.
"Bakit mo sinasabi 'yan sa'kin?"
"Para alerto ka," Ngumiti nalang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin sa kanya ang mga ganoong bagay. Napapahiya tuloy siya.
"Hahahaha! Kamuntik kana pala kanina kung ipinag-patuloy ko 'yon." Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Hindi kapa natakot?" Dagdag niyang tanong.
"Letche! Kung ipapakita ko sa'yo na takot ako baka pagtawanan mo pa ako. Ngayon alam mo na, tatawananan mo ba ako?"
"No. Siguro nga mas iingatan pa kita ngayon."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"B-bakit?"
"Nauutal ka. Iingatan kita hanggang sa isuko mo sa akin 'yang gabriela mo."
"Akala ko pa naman kung ano na. Kung swertehin ka ba naman."
Nagkibit balikat nalang siya at tumahimik.
Hindi ko alam ang takbo ng isip niya. Alam kong tama lang 'yong sinabi ko, na baka kasi kapag nangyari 'yong isang bagay na kinakabahan ko ay mabigla siya.
"You know what? Sa dami ng babaeng nakilala ko, ikaw 'yong kakaiba."
"Kakaiba? Dahil virgin ako? Ganun? Walang alam at walang karanasan tungkol sa s*x? Pero dahil sa ginagawa mo, nagkaroon na ako ng karanasan. Mabilis kapa sa mabilis."
"Look, I'm sorry hindi ko naman kasi alam. Akala ko kasi may alam ka e.”
"Pinag-aralan ko sa'yo. Bawat halik mo, pinag-aaralan ko."
"Hahahaha! Unbelievable. I can't imagine. Ngayon alam mo na ang galawang Alcantara?"
Tumango ako. Subalit wala sa kanya ang tingin ko. Naramdaman ko nalang na tumungo siya sa likuran ko at sinakop ang baywang ko at ipinatong ang ulo nito sa aking balikat.
"Sa edad kong 'to alam mo ba na puro init ng katawan ang hinahanap ko? Hindi magkalayo ang edad natin, Isabela. I admit that I am a womanizer. Pero sa lahat ng 'yon ikaw palang 'yong di ko nagagalaw. Sooner or later gagawin ko rin 'yon sa'yo, pero sa ngayon iingatan na muna kita kagaya ng isang perlas na nasa pinakailalim ng dagat, at babantayan ko iyon na walang may makalapit ni isa sa sinuman, dahil alam kong pagmamay-ari ko ang perlas na iyon." At saka niya ako hinalikan sa leeg. Matagal ang halik na iyon. Napa-angat pa ako ng aking ulo dahil mas lumalim ang halik niya.
Ang ganitong bagay na 'di ko naranasan kay Robert, ay naranasan at naramdaman ko mula kay Alfonso. Hanggang halik sa labi lang ang naranasan ko mula kay Robert.
Alfonso was a good kisser.
-mhaivillanuevastories-