Chapter 3

3759 Words
CHAPTER 3                                                                                                                                                                                                        KINAKABAHAN ako. Kakatok na muna ako sa pinto ng kwarto ni Alfonso. Hindi ko alam bakit ganito nalang ang pakiramdam ko tuwing magkikita kami.   Huminga  ako ng malalim at dahan-dahan ko iyon ibinuga sa kawalan bago ko katukin ang pinto ng kwarta niya. Wala pang sampung segundo ay pinag-buksan niya na ako. Laking gulat ko nalang ng bigla niya akong hatakin papasok sa loob ng kwarto niya. "Hoy! Umayos ka! Aalis tayo." Singhal ko sa kanya, subalit naka-titig lang siya sa kabuuang anyo ko. Nagsukatan pa kami ng tingin bagaman natalo ako sa kanya. Inaasahan ko na ang kanyang gagawin. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha nito sa mukha ko. Hindi naman nag dalawang isip na sunggban ako ng halik. Halik na 'di malalim at 'di rin mapusok, 'yong tipong magaganahan ka. Hindi ako nagprotesta, hindi rin ako gumanti, hinayaan ko na muna siya na gawin niya iyon sa'kin. Hanggang sa tumungo na ang halik nito sa aking leeg. Siniilan niya pa ito hanggang umabot sa aking tainga. "Uhmp..." Napaungol ako dahil sa sobrang kiliti ng ginawa niya. Hinapit pa lalo ang aking bewang hanggang sa dumikit ito sa kanyang katawan. Sa aaminin ko, gustong-gusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko pa ito naranasan. "Ang bango mo. I want to touch  your down. Maybe later," Usal niya habang sinisiil pa ng halik ang leeg ko. Naramdaman ko rin na naglalakbay na ang kamay niya sa aking likuran. Halatang nanggigigil siya sa kanyang ginagawa. Bumalik sa aking labi ang kanyang mga halik. Ang bango ng gagong 'to! "You can not stare at me for what i'm doing. You can also repay my kisses to you." Hindi ako sumagot. Matagal ang titigan namin. Mga matang nagtatanong at humihingi ng sagot. "Hindi ko kaya. Natatakot ako." 'Yan lang ang tanging lumabas sa aking bibig.                                                                                                            "Why? Kanina pa kita nilalasap, ngayon ka pa natatakot?" Matatalim na titig ang tinapon ko sa kanya. Wala lang naman iyon sa kanya. "Sana sinabi mo nang maaga para alam ko." "Sunggab ka kasi ng sunggab." "Kasalanan ko pa pala kung ganun?" Anas niya rin sa akin. "Wala akong sinabi." Usal ko ulit sa kanya. "Oh come on! Alam mo kung anong kailangan ko, baki kailangan  ko  pang itatanggi 'yong magtatakam ko sa'yo. May kasunduan tayo." "Alam ko, at tumutupad naman ako kasunduan na 'yan." "'Yon naman pala, e! Bakit ka pa natatakot?" "Wala lang. Bakit? Bawal ba akong matakot?" "Hindi mo naman kailangang matakot. Hindi ka naman tatakutin ng junior ko, paliligayahin ka pa nito." Ang loko! Sabayan pa talaga ng nakakalokong ngiti? "Hindi ka nakakatuwa. Nakakanis ka, Alfonso alam mo ba 'yon?" Nag tiim bagang nalang ito sa aking sinabi. Katahimikan ang namagitan sa'min sa sandaling iyon. Mayamaya lang ay nagsalita ulit ako. "Pwede na ba tayo umalis? Naghihintay ang kapatid at nanay ko," Pormal kong salita sa kanya. "Saka, pwede bang pakawalan mo muna ako sa pagkakahapit mo sa'kin? Kulang nalang kasi itali mo ako sa katawan mo." Agap ko. "Oh! Hahahaha!" Bakit ba tawa lang siya ng tawa? "Para kang timang." Usal ko ulit. "What?! I'm not. Hindi ba pwedeng napapasarap lang ako sa paghawak sa'yo?" "Tsk! Tara na nga! Natatagalan tayo dahil sa ginagawa mo, e!" Pagrereklamo ko. "Mamaya ka sa'kin." Usal niya at hinalikan ako ng mabilisan sa labi. "Namumuro kana." "Hey! Our agreement is to fulfill my needs, kaya h'wag kang mag reklamo diyan!" Naka-kunot noo niyang sabi. "Babayaran kita, binigyan ako ng ina mo ng pera bago sila umalis." "I don't need your pay, all I need is you. Kaya kung sasabihin ko sa'yo na humubad ka sa harapan ko gagawin mo." "E-ewan ko sa'yo! Manyak ka!" "I'm not pervert, nakakaakit ka lang talaga sa mga mata ko." "Ano akala mo sa'kin? Abnormal ka!" "You're like a precious diamond, Isabela." "Diamanteng kailangan pag-ingatan." Agap ko.                                                                                                         "Right. Kay mamaya ka sa'kin iingatan talaga kita ng 'di ka magasgasan." Nakaka-bwisit! Puro kamanyakan ang nasa utak niya. Lumabas na ako ng kwarto niya at ramdam ko ang presensya niya na naka-sunod sa'kin. Mabuti nalang at wala sina Manang Lodie at Manang Fe. Sa loob ng sasakyan. Hinayaan kong maglayag ang aking isipan habang naka-tingin sa daan. Naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa  bulsa at tiningnan kong sino ang tumatawag. Calling Robert... Tiningnan ko muna si Alfonso  at nagkataon naman na bumaling siya. Ako na rin ang umiwas  baka ano pang sabihin niya. "Hello?" Sinagot ko ang tawag ni Robert. "Nasaan ka?" Agad naman kumunot ang noo ko sa tanong nito. "Papuntang pagamutan. Bakit?" Bumuntong hininga na muna ako. "Pahingi ng pera, kailangan ko ngayon para sa pansabong ko." Putanginang lalaking 'to! Perwisyo sa buhay ko. Tama nga si Bobby, kailangan ko na siyang hiwalayan. Matagal rin na panahon akong nagtiis sa kanya. "Hello?! Era? Ano? Bibigyan mo ba ako?" "Wala akong pera. Pasensya na." "Tanginang buhay 'to... ohh!! Paano ako makakapagsabong nito kung wala akong pera?! Ha?!"                                                                                                           "Sa iba ka nalang muna humiram, mas kailangan ng kapatid ko ang pera ngayon, Robert." "Punyeta! At ngayon binabaliwala mo na ako? Akala ko ba mahal mo ako?" Hindi muna ako sumagot sa kanya. Oo mahal kita, pero sumusobra ka na, Robert. "Pasensya ka na." "Wala kang kwenta!!" "Rober—" Napabuntong hininga nalang ulit ako dahil sa inasal nito. "Mainit ang ulo ng boyfriend mo ahh? Mukhang kailangan ng pera." Hindi na muna ako nagsalita, tiningnan ko lang siya at maya-maya ay umiwas na rin. "Ganun ba ang trato sa'yo? I mean, sa'yo siya umaasa?" Hindi talaga ako tantanan ng lalaking 'to. "Nasanay siguro na bawat hingi niya binibigay ko agad. Pero may isang bagay akong 'di ko talaga binigay sa kanya kahit magpipilit pa siya." Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "If you don't mind, pwede ko bang malaman?" Tsismoso talaga.                                                                                                     Tiningnan ko lang siya. "Fine! Hindi na ako magtatanong." Buti naman. Kapag sinabi ko sa kanya, malamang pagtatawanan niya lang ako. ❤ Lokong boyfriend! Tumawag lang kay Isabela para humingi ng pera? Poor, Isabela. Ganun niya ba ka mahal ang walang kwentang lalaking 'yon? "Break him up," Wala sa isip kong sabihin sa kanya iyon. "H-hah?" "I said, break him up." Pag-uulit ko. Napansin kong ngumiti siya at nakatingin sa daan. Maganda si Isabela, morena, at makinis ang kutis. Hindi nakakapagtaka na mabibighani ka sa kanyang ganda. Dagdagan pa ang ngiting nakakaakit. Okay, sa aaminin ko naaakit ako sa kagandahan at ngiti niya. Malas niya nga lang sa nobyo.                                                                                                   "Yan rin ang sabi sa'kin ng kapatid ko, hiwalayan ko si Robert." Usal niya. "Then? Bakit hindi mo gawin? Sinabi ko na yan sa'yo, 'di ba?" "Nakakatuwa lang isipin. Sa haba ng relasyon namin ngayon ko pa nakita ang totoo niyang ugali. Sabongero, maliban sa babaero." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at halata sa mukha nito ang pagkakadismaya. Gusto kong maawa, pero di ko 'yon ipinakita. "Hinayaan ko nalang na gawin niya iyon dahil sa di ko maibigay-bigay sa kanya ang gusto nito." Ano naman kaya 'yon? Siguro pera? O, di kaya— Wait! H'wag niyang sabihin na. "Virgin ka pa?" Hindi man lang siya nagulat sa tanong ko. Tumawa lang siya. "What?! May mali ba sa tanong ko?" Kunot noo kong tanong. "Wala naman, mag drive ka nalang. Malapit na tayo sa pagamutan." Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy nalang sa pagmamaneho. Maybe she's still virgin. Yes or No lang naman ang sagot. Pero bakit sumang-ayon siya sa usapan namin?  Di bali na nga lang. Hospital                                                                                                     We are walking into the hospital with some people who are looking at us. Who can not be turned away if you see a handsome man? "Iba talaga ang karisma mo sa mga babae, pati nurse napapatitig sa'yo." Deritsyo lang ang lakad namin. "Swerte mo dahil ako ang kasama mo." Napa-ngiti ako sa sinabi ko. "Yabang mo. Baka isipin nila nobyo kita." "Ayaw mo no'n?" I said then grin. "Asa!" Sabay ismid sa'kin. "Mamaya ka sa'kin." Nagulat naman siya sa sinabi at kinindatan ko ito. Napa-ngiti ako ng nakakaloko at 'di man lang ako pinansin. Mayamaya lang ay na tuntun rin namin ng ward ng kanyang kapatid. Maraming naka-laray na mga pasyente. Matanda, bata, lalaki, babae. "Sa labas ka nalang sana naghintay, nakakahiya." Napapahiya nitong sambit. "It's okay. Gusto ko rin nakilala ang pamilya mo. Where they are?" Sinundan ko nalang siya at tumungo ito sa pinakadulong kama. Isang babaeng medyo may edad na rin at isang binatang lalaki na nakatayo, at ang isa naman at nakahiga sa kama. "Nay? Bob?" Tawag niya. "Era anak, mabuti at dumating ka. Ang kapatid mo." Mukhang iiyak na 'yong nanay niya.                                                                                                        "Kumusta po si Biboy? Anong sabi ng doktor?" "Kailangan niya masalinan ng dugo. Nakakaawa ang kapatid mo, Era." Usal ng nanay. So? Era pala ang isa sa mga pangalan niya. Nice. Magandang pakinggan. Nakatayo lang ako sa likuran niya at pinagmamasdan ko sila. "Ate? Sino siya?" Tanong ng nakakabata nyang kapatid. Napansin rin ako sa wakas. Lumingon sa'kin si Isabela. Magsasalita na sana siya ng ako na mismo ang nagpakilala sa aking sarili. "Good afternoon. Evo Alfonso Alcantara, nice to meet you, ma'am." "Alcantara? Diba ikaw 'yong magaling na lawyer? Oo, tama, ikaw nga 'yon!" Kapatid niya ang nagsalita. "Ako nga," Naka-ngiti  kong sagot. "Alam niyo ba attorney idol na idol po kita. Hehehehe. Pasensya na po kung ganun nalang ang reaksyon ko." "Ayos lang. Kung nasa katwiran at nasa tama ang isang kasong hinahawakan, bakit 'di ko pananalunin? Tama diba?" "Opo, tama nga kayo. Kaya nga po hanga ako sa inyo, e. Hehehehe! Na kilala rin kita sa wakas." Naka-ngiti nitong wika. "Hoy! Bob tama na nga 'yan." Sita ng kanyang ate.                                                                                                    "Ate Era naman. Idol ko yan e. Hehehe! Teka! Bakit nga pala kayo magkasama?" Pabaling-baling ang tingin sa amin. "I'm your, ate's boyfriend." "Ano!? Hahahaha! Seryoso? Walang biro?" Makulit pa ata sa akin 'tong kapatid niya. "Dios ko por santo!! Ikaw? Nobyo ng anak ko?" Gulat na tanong ng nanay. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Singhal sa akin ni Isabela. "Right, darling?" naka-ngisi ako sa kanya. "Wow! Paano si Robert?" Tanong ng kapatid. "Hiniwalayan niya na 'yon." Ako na naman ang sumagot. Napayuko nalang si Isabela sa sinabi ko "Hahahaha... Buti nga 'yon! Walang kwentang lalaki. Diba ate?" Hindi na sumagot si Isabela. "Naku! Hijo, sana naman di ka kagaya ni Robert. Iresponsable." "I won't. Pangako." Napansin ko nalang na bumuntong hininga si Isabela at umiwas ng tingin sa akin. Saka naman ito tumingin sa kapatid na may tobong nakakakabit.                                                                                                     "Anong blood type po ba ang kailangan ni, Biboy, 'nay?" Pag-iba ng usapan ni Isabela. "O plus, anak, hindi kami magka-match ng dugo, kahit si Bobby," Wika ng nanay. "Sa'kin talaga manggagaling ang dugong iyon. Kailangan ko na atang isalin sa kanya ang dugo ko," "Let's go? Puntahan na muna natin ang doktor ng kapatid mo." Salita ko. "Oo." Maiksing tugon niya. "Ate, pingi ng pera. Pambili ng pagkain." Wika ng kapatid. Kukuha na sana siya ng pera ng bigla ko siyang pinigilan. "Ano?!" Singhal niya sa akin. "Keep it, darling." Naka-ngiti kong sabi. "H-ha?" Hindi ko na siya pinansin at agad ako kumuha ng pera sa wallet ko. "Here. Bumili ka na sa super market ng makakain niyo ng nanay mo. Saka bumili kana rin ng fruits for your brother." "Alfonso?!  Subra na 'yan ah?!" Usal ni Isabela. "S-salamat po. Sige po ngayon agad bibili ako. Ate, alis na muna ako, nanay, alis na muna ako ha? Babalik ako mamaya." Pagpapaalam ng kapatid ni Isabela. "Sige, Bobby mag ingat ka." Ani nanay ni Isabela. "Maraming salamat, hijo." Dagdag pa nito at sa'kin naka tingin. "Walang anuman po. Puntahan muna namin ang doktor ng anak niyo. Sige po." Hindi ko na hinintay ang sagot ng nanay ni Isabela.                                                                                               Kapansin-pansin ang kunot na noo nito habang naglalakad kami patungo sa nurse station. "Dagdag utang ko na naman 'yon sa'yo." Usal niya subalit 'di siya naka-tingin sa akin. "Babayaran mo naman ako, diba?" Naka-ngisi kong tugon. "Tapos sabihin mo, boyfriend kita? Ano nalang anh sasabihin nila sa akin? Ha? Nakakainis ka!" "Hahahaha. Buti nga 'yon. Gwapong boyfriend." Hindi na siya umimik.                  MATAPOS namin kausapin ang doktor ng kapatid ni Isabela, ay nagpakuha na siya agad ng dugo. Isang bag ang sabi at 'yon naman ang kinuha sa kanya. Nagpahinga muna saglit si Isabela matapos kunan ng dugo, dumulog na rin kami sa ward ng kapatid niya, makalipas ang kalahating oras. "Nay? Okay na po ang lahat. Makakalabas po si Bunso ng hospital na wala ng babayaran. Ito po ang karagdagang pera para pambili ng gamot." Napa-titig ako sa kanya. Wala akong masabi. Mahal niya ang kanyang pamilya. Pauwi na kami ng bahay. Tahimik parin siya. "Ayos ka lang?" Pagtatanong ko. Ngumiti ito at tumango. "Maraming salamat." Malambing na pagkakasabi niya.                                                                                                      "Anytime." Sagot ko.                                                                                         Pagdating sa bahay ay tahimik kaming naglakad papasok. Nakasalubong namin sina Manang Fe at Manang Lodie. "Mga anak, kumusta lakad niyo? Isabela, kumusta ang kapatid mo? Namumutla ka ata ah! Kumain na ba kayo?" Bungad sa amin ni Manang Lodie. Matanda na ito at siya ang matagal na kasambahay namin dito sa bahay. Kilala niya na rin ang angkan ng aking ama. "Maayos naman po manang Lodie, kinunan po ako ng dugo, kailangan po kasi ng kapatid ko. Medyo nanghihina, pero ayos lang ako kaya ko pa naman magtrabaho. Maraming salamat." Naka-ngiting wika ni Isabela kay Manang Lodie. "Magpahinga kana muna, Isabela, bukas kana mag trabaho. Naku! Importante sa atin ang malusog na pangangatawan, kaya magpahinga kana muna, wala naman masyadong gagawin sa ngayon." Kahit kelan ang bait ng matandang 'to, kaya spoiled ako sa kanya e. "Ikaw, Alfonso? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang kumain? Buti naman at pumayag kang dumito muna." Ngumiti ako. "Manang Lodie, ayos lang ako, ipagtimpla mo nalang ako ng kape. Wala naman akong hinahawakang malaking kaso sa ngayon manang kaya dumito na muna ako." "Oh siya! Ihahatid ko nalang sa kwarto mo ang kape. Magpahinga kana rin. 'Yong si Viktor, mamayang gabi pa 'yon uuwi." "Sige po. Maraming salamat. Hayaan mo na si Doktor Viktor, matanda na 'yon. Hahahaha! Akyat po muna ako sa kwarto, Manang." Wika ko. "Magpahinga ka raw sabi ni Manang, 'wag matigas ang ulo." At saka ko sila tinalikuran. Pag pasok ko sa kwarto ay ibinagsak ko ang aking katawan sa  kama. Nagpahinga ng kunti at saka ko naisipang mag maligo ulit. Tama nga si Isabela, mangangamoy hospital ako.                                                                                                                          MAKALIPAS ang kalahating oras lumabas na ako ng banyo. Tanging pang-ibaba ko lang ang may takip. "Si manang Lodie na siguro 'yan." Agad kong tinungo ang pinto at pinagbuksan ko siya. Instead na si Manang Lodie ang nasa harapan ko, si Isabela ang may dalang kape. "Kape mo. Ako na naghatid, may ginagawa kasi si Manang Lodie." "Paki lagay nalang sa mesa." Pumasok siya at agad naman tinungo ang mesa at nilapag ang kapeng dala niya. "Salamat." Usal ko. Humarap ito sa akin. "Paano ko ba babayaran 'yong tulong mo?" "Paano ba?" Kunwari ay nag-iisip ako. "Okay ka na? Paano kung ikaw ang gusto ko ngayon? Paano kung sasabihin kong maghubad ka sa harapan ko, gagawin mo ba?" Tahimik ito at tiningnan ako, mata sa mata. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Isa-isa nyang tinanggal ang butones ng kanyang damit. Naka titig lang ako habang ginagawa niya iyon. Matapos niyang matanggal ang mga butones ng damit tumambad sa'king harapan ang magandang hubog ng kanyang katawan. May saplot pa naman siya. Nakayuko ito at halatang nahihiya. "Ito ba?" Wika niya. Lumapit ako sa kanya at iniangat ko ang kanyang ulo. Tiningnan ko siya sa mata. "Bakit hindi ka man lang pumalag?"                                                                                                "Madali akong kausap at tumutupad ako sa usapan. Ito ang kapalit sa perang binigay mo." "A-are you sure? I mean, baka kasi napipilitan ka lang." "Sa palagay mo ba, madali ito para sa akin? Gagawin ko lahat para sa pamilya ko." Hindi ko mapigilang mamangha sa hubog ng katawan niya. Pero mas may laman 'yong sinabi niya. Para sa kanyang pamilya. Pinapainit niya ang buo kong sistema. Nakakaakit, sa aaminin ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at ngumiti. "Gusto mo ba? Sigurado ka?" "Nanghahamon ka ba?" "Naninigurado lang ako." "Ito na nga oh!" "Well, you make me feel hot. Who is the guy who does not get hot when it comes to being as beautiful as you are, and still attractive?" "So ayaw mo?" "Did I say, no?" "Malay ko sa'yo. Pabor na 'yan sa'yo." "Pabor na pabor. Pero..."                                                                                                        Kumunot ang noo niya. "Ano?!" "Baka masaktan kita." "Titiisin ko." Agad itong yumuko. "Hinahamon mo nga ako kung ganun." Hindi ko siya hinintay na sumagot. Hinapit ko ang baywang niya at walang prenong sinunggaban ng malalim na halik. Damn! Ang lambot talaga ng labi. Wala sa sariling binuhat ko siya at dinala sa aking kama. Pumaibabaw ako at nagtitigan mula kami. Halatang kabado at ramdam ko 'yon dahil sa lakas ng kabog ng dibdib niya.  Maya-maya lang ay, binagsak ko ang aking katawan sa dibdib niya. Ramdam kong nagulat siya. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg at nagsalita. "I'll wait for your day where you're ready. I do not want to take advantage of your weaknesses. I like the one we like," I lift my face and smile at her, and kiss her immediately. "Alfonso?" Tawag niya sa akin na ang dalawang kamay niya  ay nakasampay pa sa aking leeg. Matagal ko siyang tiningnan. "I..." Kumunot ang noo ko ng 'di niya agad tinapos ang sasabihin niya. -mhaivillanueva- 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD