CHAPTER 22 "ATE ERA! Ate Era! Ate Era!" Naalimpungan ako, at agad napa bangon sa aking kama nang bigla ako tinawag ni Biboy sa labas nang aking kwarto. "Ate Era, gising!" Tawag n'ya ulit, at dumulog sa may pintuan. Pinag-buksan ko si Biboy ng pinto. "Ate Er—" "Anyare sa'yo bunso, at hingal na hingal ka? Ki aga-aga ganyan ang mukha mo. Diba't may pasok ka ngayon?" "Ano kasi ate, may lalaki sa labas ng bahay. Hinahanap ang nanay." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng aking kapatid. Lalaki? At si nanay ang hanap? Hmmp... "Nasaan ba?" "Nasa labas nga ate naghihintay." Sagot sa'kin ni bunso. "Mag-aayos lang ako ng sarili, bunso. Hintayin mo ako saglit lang 'to." Wika ko sa kanya, at tumungo sa loob ng banyo. Hindi naman ako nagtagal baka kasi mainip ang lalaking sinasabi ni Biboy. Hindi

