CHAPTER 23 "ANAK?" "Nay?" Lumapit si nanay sa gawi ko, at umupo sa aking tabi sabay yakap sa 'kin. "Isabela... anak patawarin mo ako." Napayakap rin ako sa kanya sabay hagod ng likod niya. "Nay, wala 'yon... tapos na 'yon, saka ginawa mo lang 'yong tama para sakin kaya h'wag kang humingi ng tawad sakin. Mahal na mahal kita, 'nay." "Ginawa ko lang 'yon dahil gusto ka nilang ilayo sa akin... syempre hindi naman ako papayag ng ganun nalang. Kaya no'ng nasa limang buwan ka palang napag desisyonan kong ilayo kita sa kanila, at itago. Lumipas ang limang taon, do'n kami nagkita ng pamilya Kang... hinanap ka nila sa akin, at no'ng mga panahon na iyon nasa poder ka ng tatay Lucio mo na siyang kinilala mong ama, na pangalawang asawa ko na. Anak patawarin mo si nanay." Kumalas ako sa pagkakay

