CHAPTER 8 PAGISING ko sa umaga ay hindi ko na katabi si Isabela. Nakita ko pa ang bakas ng ebidensya na isinuko niya sakin ang kanyang gabriela. I smile like an idiot. Pero nawala rin agad 'yon dahil mas naalala ko pa ang mga butil ng kanyang luha habang natutulog ito. Bumangon ako at agad tinanggal ang bedsheet ng aking kama. Ayaw ko naman ipalabhan ito sa dalawang matanda dahil nakakahiya at baka kung ano pa ang sabihin nila sa akin at ganun na rin kay Isabela. Sa buong talang-) buhay ko, ni hindi ko nasubukan maglaba, kahit na boxer ko. Tapos ngayon maglalaba ako ng bedsheet? No regret, dahil dugo ito ng isang berhen na magandang babae. Habang bitbit ko ang bedsheet patungo sa loob ng banyo ay bumukas ng kaunti ang pinto ng aking kwarto. Hindi na ako nagulat sa aking nakita, data

