CHAPTER 7 NAPAKO ang sarili ko sa kama ni Alfonso. Hindi ko magawang kumilos dahil na rin siguro sa pagkaka-yapos niya nang mahigpit sakin. Bakit ganito? Hindi pa naman tuluyan nakuha o naisuko ko ang aking gabriela, pero pakiramdam ko ay nakuha niya na ito. Napa-buntong hininga nalang ko, at sinipat ko ang kabuuang mukha niya. Ang gwapo niya, mahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, at ang labing nakaka-akit—na animo'y nang hahamon. Maamo ang mukha kapag tulog. Mayamaya lang ay naramdaman kong gumalaw siya, kaya naman nagkunwari akong tuloy. Pinakiramdaman ko siya, at ang bawat na pagramdam na iyon ay labis din ang kaba. "How I wish na ganito tayo palagi, Isabela. Dahil sa kasunduan at pera ang kapalit, paano ko masasabi sa'yo na may kunting puwang ka na dito

