bc

Close to You

book_age16+
217
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
goodgirl
powerful
independent
inspirational
drama
small town
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Kristina Manalo ay isang simpleng dalagang may malaking pangarap para sa kaniyang pamilya. Nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang upang hindi mahirapan ang mga ito sa pagtatrabaho kung kaya’t siya ay namamasukan sa mansion ng mga Ruiz tuwing bakasyon. Sa nalalapit na pagbalik ni Lorenzo, ang kaniyang kababata na siya ring tagapagmana ng hacienda, ay ipipilit na lumayo at umiwas ang dalaga. Naisin man ni Kristina na laging mapalapit sa binata ay alam niyang hindi ito nararapat dahil isa siyang dukha at langit ang pilit na inaabot niya. May pag-asa ba upang matapunan siya ng tingin ng binatang matagal na niyang inaantay at pinapangarap? Matupad ba ang matagal nang minimithi ng kaniyang puso?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Laging sinasabi sa akin ni Lola na hindi dapat hinahanap ang pag-ibig dahil kusa naman itong darating sa buhay natin. Maaaring darating siya nang hindi mo namamalayan na ang nasa harapan mo na pala ang nararapat para sa iyo. Maaari namang darating siya kahit na hindi ka pa handa, magugulat ka na lang na nariyan na siya at ang tanging magagawa mo na lamang ay ang tanggapin siya sa buhay mo.  Darating siya kahit na may taong nakapagpapasaya na sa iyong puso at magiging dahilan upang maguluhan ka sa iyong nararamdaman. Darating siya at aalis, kakailanganin mong mag- antay kahit pa walang kasiguraduhan kung babalik pa ito sa iyo. Kagaya nang dumating si Lolo sa buhay niya. Nagkakilala sila hindi inaasahang pagkakataon at pinaghiwalay dahil sa mahirap na sitwasyon. Labis ko silang iniidolo sapagkat nalampasan nila ang pinakamabigat na pagsubok sa kanilang relasyon. Kaya ang gusto ko, kung ibibgay ko ang pagmamahal ko sa isang tao ay dapat iyong matibay ang pagkahawak niya sa aming relasyon kahit ano man ang pagsubok na dumating. Iyong taong malalim kung magmahal. Magka- amnesia man siya, basta makikilala niya ako gamit ang puso niya. Di’ ba nga ang sabi nila nakakalimot ang isipan ngunit hindi ang puso? Ilayo man kami ng tadhana ay babalik pa rin kami sa isa’t- isa. Kumbaga, ‘you and me against the world’, lalabanan naming ang tadhana para sa aming pag-iibigan. Sabihan man ako ng nanay niya ng “Ito ang limang milyon, layuan mo lang ang anak ko.” Hindi ko iyon tatanggapin at ipaglalaban niya ako kahit pa tanggalan siya ng mana ng pamilya niya. Kung iisipin, malayo namang mangyari lahat ng iyon sa totoong buhay, sa pelikula lang naman iyong nangyayari. Kung mayroon man siguro ay isolated cases lamang katulad nga kila Lola. “Tina, ano ba kanina ka riyan sa banyo! Mahuhuli na kayo sa eskwela!” bulyaw sa akin ni Nanay. “Nagbabanlaw na po Nay!” Pero sana kung dadating man siya, huwag muna ngayon. Marami pa akong pangarap na kailangan kong maisakatuparan para kina Nanay at Tatay. Marami pa akong plano para sa kanila kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral at nagkaroon na ng maayos na trabaho. Saka na lang iyong pag-ibig dahil mas kailangan ako ng aking pamilya. Ako si Kristina Manalo, anak ng isang magsasaka, diese-sais anyos at nakatira sa bayan ng mga haciendero, ang Aragon! Bata pa lamang ako ay nangangarap na akong sumali sa mga beauty contest, palagi kong pinipilit sila Nanay na pumunta ng bayan tuwing piyesta para lamang panuorin ang Binibining Aragon. Ngunit habang tumatanda ay nagiging mahiyain ako sa pagharap sa maraming tao. “Inay, tapos ko na hong naasikaso ang mga exam para sa pagkuha ng scholarship. Malapit na rin naman ho ang bakasyon baka po pwedeng magsimula na ulit ako sa hacienda sa sabado?” paglalambing ko kay Nanay. “Ang usapan natin ay bakasyon ka lang magtatrabaho, may klase ka pa Tina. Hindi ba mapapabayaan ang  iyong pag-aaral?” pag-aalangang tugon niya sa akin. “Nay, wala na po kaming masyadong ginagawa sa klase, nagpapratis na lang po kami para sa aming graduation.” “Sa katunayan nga po gagraduate ang anak niyo bilang First Honorable Mention!” dagdag ko pa upang lalo ko silang makumbinsi. “Aba! Sinasabi ko na nga bat sa akin talaga nagmana itong si Tinay! Maganda na, matalino pa! Payagan na natin Esme tuwing sabado lang naman muna,” may pagmamalaki at pangungumbinsing tugon ni Tatay. Mabuti na lang din na tinulungan ako ni Tatay sa pangungumbinsi kay Nanay at napapayag naming ito. “O siya sige! Kayo talagang dalawa ay hindi titigil sa pangungulit sa akin. Katrina! Bumaba ka na rito at pumasok na kayo ng iyong Ate!” pagtawag ni Nanay kay Katkat. Palihim naman kaming nag-apir ni Tatay dahil natalo naming sa argumento si Nanay. Nang makababa na si Katkat ay sabay-sabay kaming umalis, kami ni Katkat patungo sa eskwelahan at sa hacienda Ruiz naman sina Tatay at Nanay. Doon rin ako magtatrabaho sa pagsapit ng sabado. Tuwing bakasyon ay namamasukan ako bilang katulong  ni Nanay sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Si Nanay ang nagsisilbing cook sa mansyon ng mga Ruiz, samantalang isa sa mga magsasaka si Tatay sa taniman ng mais. Ang mga Ruiz ang pinakamayang pamilya sa buong Aragon, sa dami ng kanilang mga negosyong pinatatakbo dito kaya hindi nakapagtatakang matunog ang pangalan ng kanilang pamilya. Hindi sila madalas na makisalamuha sa mga tao dahil na rin sa daming responsibilidad sa kanilang mga kompanya ngunit sila ay mababait at maalaga sa kanilang mga tauhan. Madalas na wala rito sa Aragon ang kanilang pamilya dahil nasa Maynila ang kanilang mga opisina. Sa mga panahong wala ang mga Aragon ay hindi nagluluto roon si Nanay, sa halip tumutulong naman siya sa taniman. “Ate, wag mo na akong daanan dito mamaya. Sasabay na lang ako kina Joseph,” ani Katkat Hindi ko namalayang narito na pala kami sa elementarya na siyang eskwelahan ng nakababata kong kapatid. “Sige, pero deretso na agad sa bahay ha? Malalagot ka kay Nanay,” mariing bilin ko kay Katkat bago ako tumuloy sa eskwelahan ko. Grade four pa lamang siya at ako nama’y nasa huling taon na ng high school, pitong taon ang agwat namin dahil pinag-isipan daw iyon nila Itay para hindi sila mahirapang pag-aralin kaming dalawa. “Kristina! Ang tagal mo naman dumating yan tuloy si JP lang ang nakasama kong maglinis doon sa likod,” pagmamaktol na bungad naman sa akin ni Gabriella, ang pinakamatalik kong kaibigan. “Ella, sinadya kong magpahuli para naman may quality time kayong dalawa.” May gusto sa akin si Juan Paolo o JP for short, inamin niya iyon sa akin pero hindi ko pa iniisip na magpaligaw isa pa ay hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin ko sa kanya. “Tumahimik ka nga diyan at baka marinig ka niya!” pabulong niyang sabi habang lumilinga- linga sa paligid. “Siya nga pala, ilalabas na ang resulta ng exam sa Biyernes, pumunta tayong munisipyo sa sabado at tayo mismo ang titingin sa resulta.” Gulat naman akong napatiningin sa kaniya dahil sa mga balitang iyon. “Teka! M- may trabaho na ako sa Sabado!” paggawa ko ng dahilan upang hindi sumama. Natatakot akong tignan ang resulta dahil baka hindi ako pumasa. Tiyak na iiyak ako kapag nalaman kong hindi ako pasado. Baka doon ako maiyak sa maraming tao kapag nakita kong wala ang pangalan ko sa listahan ng mga bagong scholar. “Edi sabihin mo na lang na sa susunod na sabado ka na lang magsimula,” aniya habang tinitignan ako ng mabuti. Kung tutuusin pwede namang sa susunod sa sabado ngunit hindi ko nais na makita kaagad ang resulta. “Hindi pwede Ella, nakapagsabi na si Nanay doon eh. Tignan mo na lang para sa akin?” ngumiti ako na para bang nagpapaawa sa kanya dahil tiyak na hindi niya naman natanggihan ang pagpapa- cute ko sa kanya. “O siya sige na, kahit pa alam ko naman na takot ka lang talagang malaman yung results!” pagpayag niya sa akin Kilalang- kilala na talaga ako ni Ella, ganon din naman ako sa kanya na kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang laman ng mga iniisip niya. “Sinasabi ko na nga bat hindi talaga kita malilinlang eh,” pagbibiro ko sa kanya. “Aba syempre, kambal ata tayo ng isip. Isip lang dahil di hamak na mas maganda ka sa akin hmp!” “Oy JP, samahan mo naman si Ella sa bayan sa darating na sabado. Kayo na lang ang sabay na tumingin sa result ng exam.” Siniko naman ako ni Ella na katabi ko, kinikilig ata sa naisip kong plano. “Sige, sakto pupunta din talaga akong bayan.” “Sabay na kayo ah, final na yan,” paninigurado ko. Syempre hindi ko naman pababayaan na pumuntang mag-isa ang kaibigan ko. Pag- alis ni JP sa kinauupuan namin ay agad na napahawak sa puso si Ella na parang mauubusan na siya ng hininga. “Sus. Sabihin mo na lang ‘salamat Tina’. Pagtulak-tulak ko pa sa kanya dahil sa kilig. Buong araw lang kaming nakaupo sa sahig ng classroom dahil nagpapractice din para sa recognition ang iba. “Tina, totoo bang uuwi na dito ang mga Ruiz?” Nagtatakang napatingin ako sa kaklase namin. “Hindi ko alam, wala namang sinasabi si Nanay.” “Ah ganon ba? Sabi- sabi kasi na uuwi daw sila kasama iyong nag-iisang tagapagmana nila.” sagot naman niya at umalis din agad. Tagapagmana? Si Kuya Renzo na ba iyon? Napakatagal na panahon na noong nangako siyang babalik siya, ngayon na nga kaya matutupad iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wandering One

read
23.5K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
427.2K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
570.4K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook