bc

Shanah's Mission

book_age18+
102
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
mystery
crime
serial-killer
like
intro-logo
Blurb

Palaisipan kay Shanah kung ano'ng totoong nangyari sa pagkawala ng kaniyang nakababatang kapatid na si Sheera. Ang tangi niya lang pinanghahawakan ay ang huling litrato nito bago ito tuluyang nawala sa kanila. Kasama nito ang isang lalaki na tiyak niyang may pakana ng lahat.

Si Markus Araneta. Anak-mayaman na kinatatakutan kahit ng mga alagad ng batas.

Ngunit wala siyang paki kung sino man ito. Gagawin niya ang lahat upang malaman ang katotohanan. Kahit pa ang maging kapalit nito ay buhay niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
NAKATINGIN si Shanah sa litrato ni Sheera na kaka-graduate lang noon ng college. Nakatoga pa ito at hawak ang diploma. May kasama itong lalaki sa picture na sa pagkakaalam niya ay ang nobyo nito. Kaso lang ay hindi niya nakilala nang personal ang lalaki dahil noong mga panahon 'yon ay nasa academy pa siya at nag-aaral ng criminology. Nauna itong nagtapos ng pag-aaral sa kaniya dahil four years muna siyang nagtrabaho para tulungan ang papa nila na maikayod ang pag-aaral nito. Si Sheerah ang kaisa-isa at nakababata niyang kapatid. Ito ang pinakahuling alaala na iniwan sa kanila ng kaniyang ina. Namatay kasi ito dahil sa komplikasyon habang nagsisilang noon. "Iyan na naman ang inaatupag mo," puna sa kaniya ng medyo may edad nang lalaki na naka-unipormeng pampulis. "Naalala ko lang si Sheera, Pa." Pinunasan niya ang luhang nangilid sa kaniyang mga mata. "Almost a year na natin siyang hindi nakakasama. Tapos wala pang usad sa kaso niya." "Matatagpuan din siya. Bigyan mo lang ng kaunti pang panahon ang mga may hawak sa kaso niya." At kailan pa mangyayari 'yon? Nasa academy pa siya noon nang mabalitaan niya ang biglaang pagkawala ni Sheera. Sabi ng papa nila ay baka nakipagtanan na ito sa kasalukuyang nobyo. Tutol kasi ito sa relasyon ng kapatid dahil galing daw sa isang mayamang angkan ang lalaki. Ang gusto kasi ng kanilang ama ay makapangasawa sila ng simpleng tao lamang dahil mga matapobre raw ang mayayaman. Isa pa ay baka lokohin lang sila at pagsamantalahan. Alam niyang concern lang sa ikabubuti nila ang kanilang papa dahil mga babae sila. Ngunit hindi siya kumbinsido sa rasong iyon. Hindi siya naniniwala na magagawa iyon ni Sheera. Kilala niya ang kaniyang kapatid. Hindi nito ugaling sumuway at magrebelde. Naniniwala siya na kinidnap ito. Kung sino at bakit ay handa siyang alamin. Ang ayaw niya lang isipin ay baka na-salvage na ito at naitapon na ang bangkay sa kung saan. Hangga't hindi nakikita ang katawan nito ay hindi siya titigil sa pag-asang buhay pa ito. Nakakalungkot lang isipin na hepe ng pulisya ang papa nila pero wala itong magawa upang mahanap ang kapatid niya. Wala siyang tiwala sa mga tauhang inatasan nito upang mag-imbestiga sa pagkawala ni Sheera dahil parang hindi naman interesado ang mga ito sa kaso ng kaniyang kapatid. Matagal na siyang nagbo-boluntaryo na siya nang magpatuloy ng kaso ngunit mahigpit siyang tinutulan ng ama. Dahil babae raw siya at panglalaki lamang ang mga field works. Sa opisina lang daw siya dapat at mag-front desk para sa mga kababaihan at kabataang magrereklamo ng domestic violence. So ano pang silbi ng apat na taon niyang pag-aaral at training kung buburuhin lang pala siya sa opisina? Hindi naman siya lampa at basta-bastang babae lang. Black belter siya ng taekwondo. Isa rin siya sa mga magagaling noong training nila ng judo. Sharp shooter. At higit sa lahat gumradweyt siya ng may mataas na grado at ranggo. Nagsikap siya at nagpakitang gilas sa kaniyang ama para isipin nitong hindi lang ang mga lalaki ang maaasahan sa mga field roles. Kaso lahat ng paghihirap niya ay mababalewala rin pala. Lalo pa ngayon na higit na kailangan ng kapatid niya ang tulong niya. Kung puwede lang sana mangialam ng kaso ay ginawa na niya. Kaya lang ay ayaw niya namang mapahiya ang kaniyang ama. Nirerespeto niya pa rin ito. Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay naghanda na siya para mag-off duty. Ugali niyang magpalit ng civilian kapag lalabas na siya ng presinto. Binabaon niya lang ang kaniyang uniporme at doon na lang nagbibihis. Ayaw niya kasing ipangalandakan sa iba na isa siyang alagad ng batas. Minsan kasi kinatatakutan sila ng mga tao kapag nakikita sa public places. Ayaw na niyang maulit ang isang beses na bumili lang siya ng tinapay sa bakery ay pinagtitinginan siya ng tao. Off-duty na rin siya noon at pauwi na. "Ingat, Senyora!" nakangiting sabi sa kaniya ni Roel na kasalukuyang kausap ng kaniyang ama. Matagal na itong nagpaparamdam ng panliligaw sa kaniya pero hindi niya ito masyadong pinapansin. Hindi niya ito type dahil parehas sila ng edad na 26. Ang gusto niya kasing maging nobyo ay at least limang taon ang agwat na edad sa kaniya. "Uwi na 'ko, Pa!" paalam niya sa ama. Nang tumango ito ay tuluyan na siyang lumabas ng presinto. Isinuot muna niya ang helmet bago umangkas ng kaniyang motor. Inabutan na naman siya ng traffic. Buti na lang at hindi four wheels ang kinalululanan niya. Madali siyang makasingit-singit. Kaso lang ay wala rin naman siyang magagawa kapag stop light na ang nagdesisyon ng trapiko. Habang naghihintay ay ugali na niyang magmasid-masid sa paligid. Biglang nagsalubong ang mga kilay niya nang walang habas na nagtapon ng upos ng sigarilyo ang kung sino mang lulan ng kotseng katabi ng motor niya. Agad niyang kinatok ang bintana ng sasakyan nito. "What?" Magkasalubong din ang kilay ng lalaki nang babaan siya ng salamin. "Bawal 'yong ginawa mo. Hindi ka puwedeng basta-basta ---" Natigilan siya nang mapagmasdang maigi ang mukha ng lalaki. Pamilyar ito sa kaniya. "At sino ka para sabihan ako ng bawal sa hindi?" Iyon lang at muli nang itinaas ng lalaki ang salamin. "Hoy!" Huli na dahil bumalik na sa green ang stoplight. Umusad na ang mga sasakyan sa unahan niya. Pati ang kotseng iyon. Tsk! Ngayon siya nagsisisi kung bakit siya nagpalit ng uniform. E di sana ay may dahilan siya para habulin ito. Wait! Biglang may nag-spark sa utak niya. Naaalala na niya! Naaalala na niya kung saan niya nakita ang mukha ng lalaking iyon. Sa picture. Ito ang lalaking kasama ni Sheera sa picture. Ang lalaking susi upang muli niyang makita ang kaniyang kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook