Calixta's Point of View Narito ako ngayon sa likod ng bahay namin at tulala pa rin sa aking nalaman, ngunit hindi naman talaga buong impormasyon sapagkat hindi na namin pinag-patuloy pa na buksan ang ibang pahina ng photo album sapagkat sa tingin ko ay hindi ko pa rin ito kaya. Akala ko hindi kasali iyong tita ni Jake ngunit bakit kasali ito sa picture na nasa pinaka-harap ng photo album na iyon? Kahit si Zadie ay nagulat na nakita ito sa larawan na iyon, kahit bata pa silang lahat doon ay parang ganoon pa rin naman ang mga mukha nila ngayon. Si tita at 'yong tita ni Jake nga ay akala ko hindi na tumanda sapagkat parehong-pareho pa rin ang pagmumukha nila roon. Hindi kaya ang lalaki sa gilid ni tita na nabura ang mukha ay ang tito ni Jake na namatay din dahil sa sumpa? Kung siya

