Amani's Point Of View We are on our way sa avr kung saan maghe-held ng meeting. Lahat kami ay nagulat sa sunod - sunod na balita na ibinahagi ni Celestial sa amin. Noong isang araw lang ay inanunsiyo nito sa group chat ang pagka-matay ni Sy at kahapon naman ay ang pagka-matay ni Dwayne. Noong una ay akala ko titigil na ang sumpa simula noong napag-desisyunan ng buong klase na hindi na pansinin itong si Calix ngunit nagka-mali yata kami. Isang linggo pagkatapos namin tigilan sa pag-pansin si Calix, ay okay naman ang lahat. Wala ng p*****n na nangyayari at sa tingin namin tumigil na ng tuluyan ang sumpa ngunit nitong mga nagdaang araw lang sunod-sunod na ang pagkamatay ng dalawa kong kaklase at ang mas matindi pa ay hindi man lang 'to naabutan ng dalawampu at apat na oras bago ang

