Calixta’s Point of View Lumipas ang dalawang araw ay wala ng p*****n ang nagaganap ngunit hindi pa rin kami pakampanti lahata sapagkat alam namin sa sarili namin na magkakaroon na naman ng panibagong bangkay kapag hindi kami nag-ingat. Nandito kaming Amani , Zaria , Zaddie atsaka Jake sa lumang building. Wala si Kath sapagkat sabi ni Amani ay bigla nalang daw itong nawala at kahapon lang ay nag-reply ito na may ina-asikaso lang siya sa business nila kung kaya ganoon. As usual ay abala lang si Zadie sa kaniyang experiments habang ang kambal naman ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Si Jake at Amani ay nag-uusap lang sa isang tabi habang si Zaria ay seryosong nagba-basa ng libro. Hindi na ako nag-abala pa na lapitan ang mga ito at kinuha nalang ang cellphone ko. Sakto naman n

