Calixta's Point Of View. "Hinahabol pa rin tayo,"saad ng isang lalaking nagda-drive sa harap ng kotse. Nasaan ba ako? Hindi ba at natulog na ako? Bakit nasa kotse pa rin ako? "Sa tingin mo ba ay maabutan pa tayo?" Tanong ng babae habang niya-yakap ako. Ramdam ko ang takot sa boses nito. Napatingin ako sa harap at napansin na nasa daan kami kung saan patungo sa siyudad. "Bibilisan ko lang ang pagpa-patakbo, mahal. Kumapit lang kayo,"saad ng lalaki at tinapakan ang accelerator. Halos maipikit ko ang aking mga mata ng hindi ko na makita ng maayos ang nasa labas sa bilis ng pagtatakbo niya. Tila ba may humahabol sa amin at ayaw nito kaming maabutan. Ano ba kasi ang mayroon? At isa pa nasaan ba ako? "Ayaw ko pati si Calix ay madamay sa atin,"sabi ng lalaki habang mahigpit

