Calixta's Point of View Nandito pa rin kami nila Celestial at Sing sa loob ng classroom, kung minsan ay napapa-sulyap kami sa isa't-isa sapagkat hindi kami mapakali sa gagawin namin na plano mamaya. Oo nga at labag sa kalooban namin ang gagawin namin na pagha-hack sa system ng paaralan sapagkat ito ay labag sa batas ngunit wala kaming ibang paraan upang malaman ang mga taong kasama sa seksyon na iyon at kung saan ang mga ito nakatira. Gusto lamang namin bigyan ng hustisya ang mga kawawang mga estudyante na namatay dahil sumpa ng seksyon na ito, at gusto ko lang naman bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko pati na rin ang tita ko. Mamaya ay sasabihan ko si Zadie patungkol dito, hindi ako sigurado kung tutulungan kami nito o hindi. "Kanina ka pa talaga tulala riyan, C

