Calixta's Point of View It's already 5 pm and oras na ng uwian namin. Gusto sana ng kambal na sumabay ako sa kanila umuwi ngunit ang palusot ko sa mga ito ay busy ako at kailangan ko pa dumaan sa office nila Celestial dahil may aasikasuhin akong papers para sa scholarship ko. Sinabi ko rin na kailangan ko dumaan sa opisina ni Sir Jecris kasi kailangan ko e-sumite ulit ang information ko for the contest na hanggang ngayon ay hindi pa rin nangyayari dahil sa mga sunod-sunod na pagpatay ng mga kaklase ko. "Sure ka ba, willing ka naman namin hintayin ni Zaria." Saad ni Amani habang naglalakad kami palabas ng classroom. Ngumiti lang ako sa kaniya at umiling. "Huwag na, kaya ko na sarili ko. Kailangan niyo pa naman mag-review para sa exam bukas." Sabi ko sa kaniya at yinakap a

