Calixta's Point of View Maaga akong nagising dahil bigla akong nakaramdam ng pagka-uhaw. Nanatili pa rin akong nakahiga kahit ang gusto ng isip ko ay tumayo na ako at uminom ng tubig ngunit tinatamad yata ang katawan ko na bumangong. Sa tingin ko ay alam nito na panibagong araw na naman upang maglakad patungo sa katotohanan. Napa-buntong hininga lang ako ng malalim atsaka nag-inat ng katawan. Kinuha ko na ang cellphone ko na nasa gilid lang ng kama ko at nagcha-charge at binuksan ito. Ilang sandali pa ay biglang lumabas ang message ni Celestial. Ano kaya ang kailangan nito? Binuksan ko na ang kaniyang mensahe at bumungad sa akin ang isang picture atsaka mayroon itong caption sa ibaba. "Good Morning, Calix. This is the memo for today's event kung kaya ay wala tayo

