Calixta's Point Of View "Akin na kasi 'yan!" Sigaw ni Amani. Kasalukuyan na nagha-habulan ang dalawang bata ngayon dito sa ground. Nandito kami isang bench sa ilalim ng puno na kung saan namin nahanap si Kath noon. Nag-aagawan ang dalawa sa dinala ko na chocolates ngayong araw. Hindi ko nga alam na ganito pala ka gutom ang mga ito ngayon, o sadyang matakaw lang talaga sila pagdating sa chocolate. "Kahit kailan talaga 'yan kapatid ko,"ani ni Zaria, "Talagang baliw 'yan sa chocolate, kaya ganiyan na lang 'yan maka-react." Tumawa lang ako rito at napatingin sa dalawa na patuloy na nagha-habulan. "Kahit ako noong mga panahon na mahilig ako sa chocolates ay willing ako makipa-p*****n para lang diyan,"sabi ko at naka-ngiti na nakatingin sa kanila. "Ang ganda siguro kung ganito na lang tayo

