Calixta's Point Of View. Napaka-tahimik ng buong school ngayon, nalaman na kasi ng lahat ang pagkamatay ni Sir Jecris. Halos ang buong faculty ay hindi makapaniwala ng biglang nagpa-tawag si Celestial ng meeting sa mga ito at gayon na rin ang mga head. "Okay ka lang ba, Calix?" Tanong ni Amani, napa-tingin naman ako rito na ngayon ay abala lang sa paggi-gipit ng mga itim na papel de hapon. "Okay lang naman,"saad ko. Naramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Nakita ko naman ang pag-reflect ng pangalan ni lola sa screen ng aking cellphone. "Amani, Zaria, sagutin ko muna 'to,"paalam ko rito, tumango naman ang dalawa sa akin kung kaya ay tuluyan na ako lumabas ng classroom.

