Calix Point of View Lumipas ang tatlong araw at wala naman gaanong nangyari sa unibersidad. Ang ginawang pag-tigil nila sa pag-pansin sa akin at ang pag-iwas sa aming dalawa. Medyo hindi ako sanay na laging binabalewala ang mga sinasabi ko ngunit ngayon ay mas lalo ko na a-appreciate ang pagiging outcast at malayo sa attention. Linggo ngayon at kailangan ko pumunta sa lungsod upang bumili ng mga gagamitin ni lola sa paglu-luto. Kasama ko ngayon si Lea na abala sa pamimili ng mga gulay dito sa isang stall kaharap ang isang maka-lumang building na mayroong karatula sa ibabaw na nagsasabing "Museum". Wala akong ka-alam alam sa bibilhin kung kaya ay sumusunod lang ako ka Lea at taga bit-bit na rin ng mga nabili namin. "Isang kilo po nito,"sabi ni Lea sabay kuha ng lalagyan

