Calixta Point Of View Dapit hapon na at heto kami ngayon naghi-hintay ng uwian, sabi ni Jake ay sasabay daw ito sa amin mamaya ngunit paano kaya 'yon? Baka makita na naman siya ng mga kaklase namin ay magiging issue na naman ito. Bahala na nga siya. "So as you can see, we will just parse this statement into integer data type,"paliwanag ni Sir sa amin habang nagta-type sa kaniyang laptop at naka-display sa projector nito sa harap namin. Gusto ko dumapa at matulog habang hinihintay ang bell na magsasabi na tapos na ang discussion at uwian na. Dumapa nalang ako sa aking lamesa at pinikit ang aking mga mata. Hindi ko na kailangan makinig sa discussion nito sapagkat mayroon naman akong notes at video na kung saan nag-discuss si sir ng whole version nito. Pwede ko 'yon ulit-ulitin

