“Pabili po ng bulaklak,”tawag pansin ko sa babaeng abala sa pag-a-arrange sa gilid. Napatingin na man ito sa akin at ngumiti. “Teka lang iha ha,”sambit nito sabay tayo at pahid sa kaniyang suot-suot na apron. “Ano sa’yo rito?” Tanong nito , “Itong maliit na ito ay 150 lang habang ito naman ay 250,”sabay turo sa medyo may kalakihan na bulaklak sa gilid. Balak ko sanang bilhin ay iyong maliit lamang ngunit napaka-ganda naman kasi ng pag-arrange ng malaking basket na ito. I want the best and beautiful flowers for tita and also for my parents. “Dalawang tag-250 po,”tugon ko sabay ngiti sa kaniya. “Alright!” Tugon nito sabay kuha ng dalawang basket na mayroong preskong mga bulaklak. “Here, 500 lahat,”sabi nito sabay lapag ng dalawang basket sa harap ko at ngumiti. Kumuha naman ako ng pera

