Lumipas ang ilang araw simula ng bumisita ang pamilya nila Jake sa bahay namin at sa tuwing kami ay nagkaka-salubong ay agad akong umiiwas sa hindi ko malaman na dahilan. Heto ako ngayon at naka-upo lang sa loob ng classroom. Hini-hintay ang aking mga kaibigan na panigurado, walang palya ay late na naman. Kinuha ko nalang ang laptop ko at binuksan ito. Mas mabuti siguro kung magba-basa muna ako ng notes o ‘di kaya ay tapusin ko muna ang codes ko para sa final exam namin sa susunod na linggo. Mayroon pa naman kaming anim na araw na tapusin ito ngunit test cases nalang ang kulang sa akin. Nagsimula na akong mag-tipa sa keyboard ko upang simulan ang naudlot na ginawa kong test cases kahapon. Ngunit na baling ang atensyon ko ng biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok roon si Za

