Habang kami ay naglalakad na rito sa ground papunta sa building kung saan naroroon ang registrar at accounting napansin ko naman ang mga varsity players na naglalaro dito sa soccer field. Kitang kita ko mula sa dinadaanan naming ang mga lalaking sakto sa tindig at seryosong nagpa-practice rito. Marami naman na mga estudyanteng babae ang nasa gilid nito at chine-cheer ang mga boto nilang mga manlalaro. Napa-iling nalang ako at napa-tingin sa harapan ko. Sobrang dami talaga ng mga estudyante rito kung sabagay ay napaka-laki naman ng paaralan na ito. Nagulat naman ako ng muntikan na akong mabangga ng mga estudyanteng lalaki na nagtutulakan habang inaasar ito sa isang babae na nakatayo sa hindi kalayuan sa amin. “Students, you are not in high school anymore. B

