Hindi naman ganoon katagal ay nakarating naman ako sa may elevator at agad naman ako sumakay rito at nagtungo sa 7th floor na kung saan ongoing ang class naming. Nang makarating ako rito ay nakita ko naman si Amani sa labas ng classroom naming na nakatayo. “Calix!”Sigaw nito mula roon ng makita ako na papalapit rito, nakangiti pa itong kumakaway sa akin. Lumabas naman si Kath mula sa classroom naming at napatingin sa akin. Ngumiti naman ito atsaka kumaya rin at nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay agad naman yumakap sa braso ko si Kath. “Anong meron? Bakit ka nila pinapatawag?”Tanong naman ni Kath habang nakatingin sa akin. “Oo nga, 2nd day pa nga ng pasukan may violation ka na agad?”Segunda naman ni Amani rito. Umiling lang ako atsaka ngumiti sa k

