“Apo,”rinig kong tawag ni lola sa akin, napatingin naman ako rito. “Bakit po?” Tanong ko rito. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa labas. Galit kaya si lola sa nangyari kagabi? Ewan ko, wala naman akong kasalanan para magalit siya sa akin. Akala ko lang naman na may naka-pasok sa bahay kaya may narinig akong kaluskos, hindi ko naman inaasahan na si lolo lang pala iyon. “Pasensiya ka na sa inasal ko kagabi,”mahinang sabi nito, napalingon naman ako rito at ngumiti. “Okay lang po, pasensiya rin at hindi ako nakinig sa’yo.”Sabi ko rito, umiling lang si lola. “Hindi, inilalayo lang kita sa lolo mob aka masaktan ka no’n, alam mo naman na wala iyon sa tamang pag-iisip,”paliwanag nito. Oo nga, pero ano ang ibig sabihin ni lolo sa

