Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok. Napaka-tahimik talaga ng lugar na ito. Tila ba wala ako sa loob ng paaralan at nasa abandonadong lugar ako na malayo sa kabihasnan. Nagsimula na akong maglakad papunta sa ikalawang palapag. Gusto ko malaman kung anong meron sa palapag na ito. Sapagkat dito ko nakita si Zadie noon panahon na namatay ‘yong una ko na kaklase Nang idilat ko ang aking mga mata ay labis ang pagka-gulat ko sa aking mga nakita. Maraming botelya ng mga kemikal ang kuma-kalat na tila ba ito ay pinag-e-experimentohan. Nangi-nginig akong lumapit rito at kinuha ang mga ito at binasa. Sa isang botelya ay may iba’t - ibang pangalan ang nakalagay ngunit ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang dalawang botelya na walang laman. Kumuha muna ako ng tissue sa bag ko at

