Lumipas ang ilang araw at sure na sure na talaga ako na si Zadie ang dahilan ng mga sunod sunod na pagka-matay ng mga kaklase ko. Oo nga at masama ang magbintang ngunit hindi ko maiwasan ito sapagkat sa tuwing may nangyayari ay naroroon ang babaeng ito. Nandito pa rin ako sa loob ng kwarto at naka-hilata lang sa kama. Wala akong balak bumangon sapagkat sobrang pagod ng katawan ko dahil sa mga nangyayari nitong mga nagdaang araw. Sunday ngayon kung kaya ay okay lang na manatili lang ako sa loob ng kwarto ko buong araw. Nag-search na rin ako tungkol sa Thallium Sulfate na sinasabi ng pulis at gustohin ko man e test iyong tubig na nainom ni Kristy pero hindi ko na alam kung saan ito nakalagay. Ilang linggo na rin ang nakaka-lipas at hindi ako sigurado kung may natitirang tubig pa sa bottle

