Calixta's Point of View "Why?" Tanong ko kay Zadie at tinignan ito. "I want to help you,"tugon naman niya. Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad palabas. Bumungad sa amin ang ilang mga empleyado rito na nagtatakbuhan at 'yong iba ay pinipigilan ang mga kaklase namin. "Let's start here,"ani ni Celestial, "Kailangan muna natin alamin kung saan papunta ang audio room ng resort. From there, alamin muna natin kung sino ang nag-ooperate doon." "Sige, tara na,"aya ko sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa kaliwa namin. Halos nagkalat ang malalaking kahoy sa daan at ang mga bato na may mga bahid na dugo. Mayroon ding mga punit na mga damit at iba pang mga gamit na sa tingin ko ay naiwan ng mga kaklase. Hindi ko na mailarawan ang beach na ito. Napaka-gulo

