Calixta's Point of View. Sabay-sabay kaming na patayo lahat ng marinig namin ang malakas na kalabog mula sa labas. Tila rin mayroong mga nagsi-sigawan mula rito. Kunot-noong na patingin ako sa pinto at nilingon ang mga kaibigan ko. "Anong mayro'n sa labas?" Tanong ko sa kanila ngunit hindi sila umimik lahat at unti-unting lumapit si Jake sa pinto. Maingat na binuksan nito ang pinto at nang tuluyan itong naka-bukas ay halos mapa-upo ako sa aking nakikita. May isa kaming kaklase na pinukpok sa ulo ang isa pa namin na kaklase habang galit na galit na nakatingin dito. "Are you that killer?" Sigaw nito at sinipa pa. Halos manginig ako sa takot ng walang awa niya itong sinapak ngunit tumayo lang ang isa ko pang kaklase at tinulak ito. "Are you out of your mind?"

