Calixta's Point of View Tapos na kaming kumain lahat at naalala ko na mayroon pala kaming paparating na quiz mamaya, dahil sa party at outing namin kahapon magka-kaibigan ay hindi ako nakapag-review. Tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan ko, napatingin naman ang mga ito sa akin lalong lalo na si Kath na kanina pa iba ang kini-kilos. "Tatambay muna ako sa library,"Ani ko. "Sasama ako,"sabi ni Zadie at tumayo na rin, tumango lang ako sa kaniya dahil baka gusto nito na mag-review din para sa quiz namin mamaya. "Sa classroom na lang ako magre-review,"tugon ni Zaria at tumayo na rin. Sumunod naman ang iba ko pa na mga kaibigan at nagsimula na kaming maglakad pa labas ng canteen. Sabay-sabay kaming nagtungo sa building namin at pumasok sa elevator ngunit magka-

