Calixta's Point Of View "Akala talaga namin kung ano na nangyari kay Calix,"kwento ni Zadie sa mga kaklase namin na nandito sa table namin ngayon at nakikinig sa mga sinasabi nito. Paano ba naman kasi ay nag-post itong si Amani ng pictures namin kahapon kung kaya ay ganito na lang maka-tanong ang mga kaklase namin kung nasaan daw kami kahapon at ano raw ang ginagawa namin. "Sa El Salvador kayo kahapon?" Tanong ni Brian na tinanguan naman nitong bruha na ito. "Wow yaman," "Hindi naman kasi kami ang nag-bayad, lola ni Calix,"saad nito at tinuro ako. Kumuha ako ng scratch paper na nandito sa harap ko at tinapon ito sa kaniya. Kailangan ba talaga i-kwento sa lahat na si lola nagbayad? Tama na 'yong kwento niya tungkol sa mga ginagawa namin kahapon, 'wag na niya isali kung

