Calixta's Point of View Muntikan ko ihampas 'yong unan na nasa ulo ko dahil sa ingay ng babaeng nasa gilid ko. Umagang-umaga kay ingay niya kamo dito sa tabi ko. "Manahimik ka nga,"saway ni Zaria sa kaniya ngunit patuloy lang ito sa pag-kanta. Bumangon na ako sabay kuha sa unan ko at tinabunan ang mukha nito. "Kay aga Amani ah,"saad ko at tumayo na. Kumuha na ako ng tuwalya at naglakad palabas ng kwarto. Padabog ko sinarado ang pinto atsaka ako naligo. Alam naman nito kung gaano ako napagod kagabi sapagkat dalawang beses akong nag-bihis ng mabibigat na gown atsaka ang daming tao na dapat ko e-entertain kagabi tapos ganito ako magigising? Aba sarap lang niya kamo sapakin. Hinayaan ko na dumaloy ang tubig mula sa shower hanggang sa balat ko. Pina-pakiramdaman ko a

