Dumaan ang ilang araw ay wala naman masiyadong nangyari pagkatapos ng insidente ni Kristy. Hanggang ngayon ay hini-hintay ko pa rin na tumawag o mag-text ang Police tungkol sa dahilan ng pag-kamatay nito. Hindi talaga ako naniniwala na dahil lang sa Diarrhea ay kaya ito nawalan na ng buhay, oo nga at possible na mamatay ito dahil doon pero wala naman itong tinatagong sakit o hindi kaya ay hindi naman ito dehydrated. Sobrang nahi-hirapan kaming lahat sa pagkamatay ng mga kaklase namin, lalong-lalo na sunod-sunod pa ito na nangyari. Kailan kaya ito mati-tigil? Mata-tapos ba talaga itong sump ana ‘to o tuluyan na itong mananatili sa buhay ng mga tao sa isla na ito? Gusto ko man silang tulungan pero sa tuwing may ginagawa akong involve kay Zadie ay lagi nalang nababawasan ang bilang namin.

