Nagising ako sa ingay ng mga manok sa labas ng bahay kung kaya ay agad akong bumangon at hinawi ang kurtina. Hindi ko naman inaasahan na sobrang liwanag na ng labas kung kaya ay halos ma bulag ako rito, tinakpan ko naman ang mga mata ko at hinay hinay na ina-adjust ang paningin ko. Hindi ganoon ka tagal at naisaayos ko na ito at napatingin ako sa labas ng bintana. Walang katao-tao sa labas hindi katulad noong mga nagdaang araw na pagdumudungaw ako rito sa bintana ay may mga tao akong makikita na kung ano ano ang kanilang mga ginagawa. Bumuntong hininga nalang ako atsaka nag-unat at inayos ang kurtina nang sa gayon ay magnatural na ilaw naman itong kwarto ko. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa higaan ko at inayos ito. Kinuha ko naman ang cellphone ko at napatingin sa Digital Clock ni

