Ngumiti naman si lea ng makarating na ako sa harap nito "Kailangan mo ng sumakay sa kotse ni Madam, aalis na raw po tayo"ulit nito sa sinigaw niya kanina. "Okay"tanging sagot ko atsaka ako sumunod sa kaniya. Naglalakad na kami patungo sa harap ng bahay doon sa kung saan naka park ang sasakyan ni lola. Ngayon ko lang napansin at sobrang dami na pala ng tao rito.
May iba't ibang uri ng sasakyan ang nakaparada sa malawak na lugar na ito; may dalawang bus, mga kotse, jeep at mga traysikel. Sobrang dami naman ata hahatid kay tita ngayong araw?
Hindi naman ganoon katagal at nakita ko naman si lola na abalang nakikipag-usap sa tatlong tao; dalawang babae at isang lalaki na sa tingin ko ay mag-asawa 'yong dalawa sapagkat hawak hawak nito ang beywang ng babae. Lumapit naman ako rito atsaka ako ngumiti sa mga kausap niya, napalingon naman si lola sa akin. "Oo nga pala ito 'yong apo na tinutukoy ko, Si Calix"nakangiting pagpapakilala nito sa akin. "Hello po, nice to meet you"nahihiyang sabi ko atsaka ako lumapit ng bahagya at inilahad ang kamay para makapagmano na agad naman nilang ibinigay.
"Hello Iha, nice to finally meet you"malambing na tugon naman ng babaeng sa tingin ko ay nasa late 20's na.
"This is your Aunt Gemma, tawagin mo nalang aunt kasi ayaw niyang tinatawag na tita. Nagmumukha raw siyang matanda"natatawa naman na pahayag ni lola, natawa naman ako gayundin din ang tatlo.
"Kahit kailan ka talaga lola, ang hilig mong magbiro"natatawang sabi nito. "Just call me Aunt Gemma, geng. I am you family's friend"sabi nito. Ngumiti naman ako sa kaniya at napatingin sa dalawang kasama nito. "and I am your Aunt Dory and this is your Uncle Franc, we are also your family's friend. So if you are in trouble just call us okay?"malambing naman nitong tugon atsaka hinaplos ang aking braso, napangiti nalang ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi nila. Hindi naman kami close para komportable akong makikipag-usap sa mga ito.
Sa tagal-tagal ko ng hindi nakakauwi rito marahil ay marami na ngang koneksyon sila lola at lolo sapagkat halos lahat ng relatives namin rito ay ang mga opisyales sa barangay o di kaya ay ang mga business tycoon rito. Nagpatuloy pa rin silang lola na nag-uusap usap ng biglang lumapit si lea sa amin.
"Madam, kailanga raw po kaya roon"tugon nito sabay turo sa binubuhat na kabaong ni tita.
"Bakit?"nagtataka kong tanong. "Kailagan niyo po na dumaan sa ilalim nito"pagpapaliwanag nito na naging dahilan naman ng pagtaas ng kilay ko.
"Ha? Para saan?"tanong ko rito. Napa-iling nalang si lola atsaka ako hinawakan sa braso.
"Superstitious belief's"tanging sabi nito kung kaya ay napatango nalang ako kahit hindi ko naman alam ang rason kung para saan pa 'yong ganon. Lumapit naman kami doon atsaka unang yumuko si lola at ako naman ang sumunod. Lahat ng mga tao na nandiritio ay nakatingin lang sa amin.
Wala si lolo kasi hindi siya pwedeng isama sa mga ganitong bagay at baka magwala lang ito. Kung kaya ay naroroon lang siya sa bahay kasama ang caregiver nito.
Nakatingin lang ang mga tao sa amin habang hinihintay na tuluyan na akong maka tawid sa kabila hanggang sa ito'y ipinasok na sa karo. Pagkasirado ng pinto ay agad naman na sumakay ang mga tao sa kani-kanilang sasakyan atsaka sumunod roon. Sasakyan namin ni lola ang nakasunod sa karo sapagkat kami ang close family nito at nakasunod naman ang mga kotse ng kaibigan ng family namin at kaibigan ni tita. Hindi ko alam pero na totouch ako sa pangyayari sobrang daming humahatid kay tita. Sabi ko naman eh, sobrang bait nito sa lahat.
"Lola, sobrang bait talaga ni tita no?"pagsisimula ko.
"Oo naman, kita mo 'yang mga tao na nasa pinaka likod? 'yan lang naman ang mga natulungan ng tita mo. Iyong iba riyan ay mga estudyante pa"nakangiti nitong sabi na tila ina-alala ang mga araw na nandirito pa si tita.
"Alam mo ba apo, minsan na kami nag-away ng tita mo kasi ayaw niya talagang mag-asawa. Sabi pa nga nito mas mabuti pa na tumulong nalang siya sa mga taong nangangailangan kesa maghanap ng lalaki na walang ibang gagawin sa mga katulad nating babae na sasaktan lang"napapailing na kwento ni lola.
"Isang araw pa nga niyan, balak ko sana siya ayusan ng kadate ngunit iyong tita mo. Ayon, pumunta sa'yo at ayaw umuwi basta may irereto pa raw ako"kwento ni lola na naging dahilan ng pagtawa namin dalawa.
Na-alala ko nga noon na kinwento ni tita sa akin na kaya siya pumunta ng siyudad ay para mag unwind. Sobrang naiinis siya kay lola ng mga panahon na iyon kasi nga ayaw na ayaw niyang magka nobyo, lalong lalo na makipag-asawa. Gusto nga lang niya kasi e focus ang sarili sa pag-aalaga kila lolo atsaka lola at sa mga taong nangangailangan ng tulong niya. Lalong lalo na raw sa akin, gusto niya na pagkailangan ko siya ay maibibigay niya agad ang atensyon na kinakailangan ko. Ayaw niyang nakakaramdam ako na mag-isa lang ako, gusto niya ramdam niya na mayroon pa rin akong tita na nandiyan lang palagi.
"Na-alala ko nga 'yon lola, sobrang inis si tita sa'yo no'n"sagot ko sa kaniya habang pinupunasan ang mga luhang nagsisimula na namang tumulo.
"Napakabait talaga ng tita mo."sabi nito atsaka napahigpit ang hawak sa manobela.
Sobrang bait nga ni tita lola pero bakit naman ito naisipan patayin? Anong meron? Bakit?
Tumahimik nalang ako atsaka tumingin na sa labas. Rinig na rinig ko ang musika na nagmumula sa karo. Kitang kita ko rin mula sa kinauupuan ko ang kabaong ni tita. Ito na ang huling araw na makikta ko siya, huling araw na mananatili ang katawang lupa niya rito sa ibabaw. Mamaya ay sa ilalim na ito ng lupa at makakasama na nito sila mama atsaka papa na tahimik ng namumuhay sa piling ng panginoon. Napangiti naman ako sa naisip ko na iyon. Oo nga at wala ka na sa tabi ko tita pero masaya naman ako na hindi ka na mahihirapan mamuhay. Hindi mo na kainakailangan magdusa sa mga sakit na dapat mong maramdaman pag buhay ka pa. At ngayon kasama mo na ang ama, alam ko na magiging masaya ka riyan. Huwag ka mag-alala ako na ang bahala kila lola atsaka lolo.
Hindi naman ganoon katagal at nakarating na kami sa simabahan. Agad naman kaming bumaba ni lola sa aming sasakyan at lumapit sa karo.
"Hinay hinay sa pagbuhat"paalala ni lola sa mga taong nautusan magbuhat sa kabaong. Nang tuluyan na itong makapasok ay agad naman kaming umupo sa harapan, at habang hinihintay namin ang pastor ay napalingon naman ako sa paligid at halos mapuno ang simbahan sa dami ng tao sa loob nito. Agad ko naman na binuksan ang cellphone ko ng maramdamn ko na nagvibrate ito, nakita ko naman ang sunod sunod na mensahe ng mga kaklase ko, bago pa ako makareply ay agad naman na dumating ang pastor at sinimulan na ang misa para sa patay.
Isang oras ang lumipas ng matapos ang misa. Pinalapit naman ang mga pamilya nito sa harapan ng kabaong. "This will be the last time that you will see each other, take your time to look at her for the last moment"tugon ni pastor. Agad naman na humagolgol si lola sa pag-iyak. "Anak! Bakit pati ikaw?!"sigaw nito habang umiiyak na halos mawalan na ito ng lakas at matutumba na kung kaya ay agad ko naman itong inalalayan. "Anak! Please naman bumalik ka sa amin, hindi namin kaya to"
Ngayon ko lang nakita na umiyak si lola ng ganito ka grabe, sa buong araw na pananatili ko sa bahay nito at sa mga araw na nasa bahay pa si tita ay hindi ito ganoon umiyak ngunit ngayon na huling araw na ay ramdam ko ang sakit at hindi pagkatanggap ni lola sa pagkawala ni tita. Kung ganito kasakit ang nararamdaman ko, how much more ang nararamdaman ng lola ko?
Binibigyan ko lang ng suporta si lola habang ito ay umiiyak habang ako naman ay patuloy lang sa pagpatak ang mga luha. Narinig ko rin ang mga hagulgol ng mga tao sa paligid ko. Ramdam nila ang sakit na nararamdamn ko at sakit na nararamdaman ni lola kung kaya pati ang mga ito ay nasasaktan na.
Ilang saglit pa ay iginaya ko na muna si lola sa tabi at pina-upo. "Lea paypayan mo muna si lola"utos ko kay lea at tumango naman ito. Bumalik ako papalapit sa kabaong ni tita atsaka ito tinignan.
Tita, para sa'yo. Para kila lolo atsaka lola magpapakatatag ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko basta basta matutukoy kung sinong pumatay sa'yo pero sisiguraduhin ko na malalaman ko kung sino man 'yon. Sisiguraduhin ko na mabubulok iyon sa kulungan at hindi na makakalabas pa.
Pinahiran ko na ang mga luha ko at agad na tumalikod dito sapagkat pag ako'y magtatagal doon ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanggalin ang takip at yakapin ang natutulog kong tita.
Lumapit naman isa-isa ang mga tao na sumama sa amin sa paghatid, may iba na umiiyak ng sobra at'yong iba naman ay pinipigilan ang sarili na umiyak. Ilang sandali pa ay isinirado na nito ang takip at ito'y binuhat na papunta sa taro. "lola?"tanong ko rito, agad naman itong tumayo pero nakahawak pa rin sa braso ko. "Kailangan na natin sumunod"tugon nito habang hinay-hinay na naglalakad, nawalan ng lakas si lola dahil sa kaniyang pag-iyak kanina. "Lola, ako na po ang magmamaneho"offer ko atsaka inilahad ang kamay ko, agad naman itong tumango at ibinigay sa akin ang susi. Iginaya naman ito ni Lea papunta sa passenger's seat at pinasakay, agad ko naman ipinaandar ang sasakyan atsaka sumunod na. Halos labing-dalawang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa sementeryo na kung saan ililibing si tita. Hinay-hinay naman inilagay si tita sa isang stainless na magiging way para mapunta ito pailalim ng lupa. Isa-isa kaming nagtapon ng mga puting rosas sa kabaong nito habang ito ay pababa, si lola naman ay walang tigil na umiiyak.
"Lola..."tawag pansin ko rito habang hinihimas ang likod nito atsaka ibinigay ang isang puting rosas. Hinay hinay naman itong tumayo atsaka tinapon ang rosas. Agad ko naman itong niyakap, nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa ito'y tuluyan na nasa baba. Sinimulan na naman nila na tabunan ito ng lupa. Sinenyasan ko naman si Lea na kumuha ng upuan, at pinaupo roon si lola.
Habang iyong ibang tao naman ay unti-unti ng nawawala. May ibang lumalapit sa amin upang magpa-alam ngunit si lola ay umiiyak lamang sa balikat ko kung kaya't salamat lamang ang tanging nasasagot ko.
"Lola, masaya na po si tita"pagsusubok ko na pagaanin ang atmospera. Umiling lamang ito sa akin.
"anong ibig mo---"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may dumating na isang pamilya.
"Nakikiramay kami sa inyo pamilyang Guevarra"malungkot tugon ng isang babaeng maputi na nakasuot ng isang itim na bestida. Bigla ko naman naramdamn ang pagtigil ng pag-iyak ni lola sa balikat ko at ang pag-angat nito ng kaniyang mukha.
"Anong ginagawa niyo rito?"may halong galit na tanong ni lola sa kanila. Nabigla naman ako at gayundin si lea at ang pamilya na nasa harapan ko.
"Nakikiramay kami"malungkot nitong sabi.
"Hindi ko kailangan ang pakikiramay niyo. Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin"galit nitong sabi na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ko.
"Lola..."tawag ko rito ngunit hindi lamang nito ako pinansin.
"Galit ka pa rin ba sa amin? Makikiramay lang kami sa pagkawala ng ana---"hindi na nito natuloy ang kaniyang pangungusap ng biglang tumayo si lola.
"Hindi ba halata? Umalis kayo sa harapan ko. Hindi ko kailangan ang simpatsya ng mga tao na kagaya ninyo"galit nitong sabi. Anong meron? Bakit sobrang galit nalang ang ibinibigay ni lola sa kanila?
"Mrs. Guevarra, sobrang tagal na panahon na simula noong nangyari ang alitan sa pagitan ng pamilya natin. Hindi mo pa rin ba 'yon kakalimutan?"tanong nito, nakita ko naman ang pagkuyom ni lola sa mga kamay nito. Agad naman akong napatayo at hinawakan ang kanang kamay niya para kumalma at nagtagumpay naman ako.
"Hindi at kahit kailan hindi ko iyon makakalimutan. Kung kaya ay umalis na kayo!"sigaw nito.
Ngunit hindi pa rin ito umimik at laking gulat ko ng si lola na mismo ang unang naglakad paalis.
"Kung ayaw niyo umalis, edi ako ang aalis"tanging sabi nito atsaka umalis na ng tuluyan. Yumuko naman ako bago ako sumunod kay lola papunta sa kotse.
Nang makarating na kami rito ay agad ko itong tinignan ng pagtataka at halatang halata ko talaga sa mukha nito ang galit na nararamdaman niya.
"Lola? Sino po'yon?"tanong ko rito. Napalingon naman siya sa akin.
"Kaaway iyon ng pamilya natin."sagot nito.
"Sa negosyo po ba?"tanong ko na naging dahilan ng pagtango nito. Hindi na lang ako umimik sapagkat wala akong alam tungkol sa negosyo ng pamilya namin at masamang makisalamuha sa away nila, na hindi naman ako kabilang.
"Umuwi na tayo at magpahinga"sambit nito atsaka nagsimula ng magdrive pauwi.
Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa harapan ng aming bahay na kung saan naroroon ang mga tao na abala sa pagkain. May ibang nakatayo habang 'yong iba naman ay naka pwesto sa mga lamesa. Hindi ko inaasahan na ganito pala karami ang pupunta, magkakasya kaya ang mga pagkain na hinanda namin para sa mga bisita o ito ay kululangin?
"Lola, magpahinga na muna kayo sa itaas. Ako na bahala rito"nag-aalala kong sabi atsaka siya nginitian.
"Sure ka ba apo?"tanong nito sa akin, tumango naman ako atsaka itinuro si Lea. "Nandito naman si Lea so no need to worry po"nakangiti kong sabi, ngumiti naman ito pabalik at nagpa-alam na sa akin.
Agad ko naman inasikaso ang mga bisita sa kanilang kinakailangan ngunit karamihan sa kanila ay wala naman problema kung kaya ay hindi ganoon kapagod ang naging trabaho ko.
Isang oras ang lumipas at unti-unti na naman nawawala ang mga tao rito hanggang sa tuluyan ng mawala ang lahat maliban nalang sa mga katulong rito. "Lea"tawag ko rito. Agad naman itong napalingon sa akin "bakit po?"
"Kumain na kayo at pakisabihan na rin ang iba na kumain na. Nasaiyo na naman ang sweldo nila diba? Ikaw na bahala mamahala rito"utos ko rito. Tumango naman ito kung kaya't umakyat na ako sa itaas at napagdesisyonan na maghalf bath na at magbihis ng makatulog na rin.
Bukas na ang simula ng araw na wala na akong tita. Kung hindi ay sila lolo atsaka lola nalang ang meron ako. Kinakailangan ko maging matatag para sa kanila, lalong lalo na para kay lola. Kinakailangan ko maging matatag dahil ako nalang ang naiiwan niyang kamag-anak at wala ng iba. I will try my best to restore the happiness of my lola and also I need to help in terms of guarding and taking good care of my lolo. This will be my new life, staying here in the province for the time being until the next semester will start. I also need to enroll by July but I still have lots of time so I do not need to worry about that.. Hays..
Agad naman akong humiga sa kama ko at hinintay na dalawin ng antok.