Chapter 6

2882 Words
"Iha, alam ko na mahirap itong tanggapin pero kailangan mo talaga ito malaman"seryosong sabi niya habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ko, napatitig naman ako sa kaniya at hinintay ang karugtong ng kaniyang sasabihin.      Anong meron? Bakit gano'n? Bakit parang kinakabahan ako sa sasabihin ni lola? Hindi ba dahil sa sakit kung kaya namatay si tita o sa isang aksidente ba? "Pinatay ang tita mo iha"sabi nito habang seryosong nakatingin sa mga mata ko, tulala lang ako na nakatingin sa kaniya habang pinipilit na ibaon sa utak ko ang mga katagang sinabi niya ngunit na bigo ako at hindi ito na proseso ng aking utak.     Pinatay? Sino? Bakit? Paano? Ano? Hindi ko talaga maintindihan sinong pinatay? Si tita? Pinatay? pero bakit? Wala naman na kaaway si tita at sa katunayan pa nga ay sobrang bait nito sa lahat pero bakit naman siya papatayin ng basta basta lang?   "A-ano po?"nauutal kong tanong ng mahimasmasan. "Paano? Sino? Bakit siya pinatay?"naguguluhan kong tanong sa lola ko atsaka ko siya tinignan ng maigi. Napabuntong hininga naman si lola at tinignan ang kabaong ni tita na nasa harapan ko. "Sa hindi malamang dahilan, hindi rin namin matukoy kung sino ang pumatay sa tita mo. Nakita nalang siya ng mga pulis na lumulutang sa dagat, sobrang daming saksak sa katawan"malungkot nitong tugon. Natahimik naman ako sa sagot ni lola sapagkat sobrang hirap ng dinanas ni tita sa mga kamay ng mamatay na tao na iyon. Sinong walang pusong tao ang kayang pumatay ng isang taong walang ibang ginawa sa mundong ito kung hindi ang maging mabait na tita atsaka matulungin na tao?      Napakuyom ko naman ang mga kamay ko dahil sa galit. Galit at awa, galit sa taong pumatay kay tita at awa sa mga sakit na naramdaman ni tita sa mga oras na iyon. Sa mga oras na bumabaon ang matutulis na kutsilyo sa kaniyang katawan. Hindi ko alam kung hanggang ilang oras bago nawalan ng buhay si tita at ilang saksak pa ang naramdaman niya.  "Sisiguraduhin ko na malalaman ko rin 'yang pumatay kay tita"seryosong sabi ko habang pinupunasan ang mga luha na dumadaloy sa mga pisngi ko. "Wala siyang puso lola. Sobrang bait ni tita pero bakit kaya nilang patayin ito? Wala ba sila sa kanilang katinoan?"tanong ko at alam ko na bakas sa boses ko ang galit nararamdaman ko. Pinisil naman ni lola ang mga kamay ko "Alam ko iha, ramdam ko 'yang nararamdaman mo ngayon"malungkot nitong tugon "Sisiguraduhin ko na mahuhuli ko 'yang taong 'yan at maibubulok ko 'yan sa kulungan"galit na galit na sabi ko at hinarap si lola. "Bakit po ba 'to nangyayari lola?"malungkot kong tanong sa kaniya na naging dahilan ng pag-iwas ng tingin.     Nabigla naman ako sa reaksyon ni lola na tila may alam ito sa katotohanan kung bakit ito nangyayari.  "Lola?"tawag pansin ko sa kaniya, tumingin naman ito sa akin at bumuntong hininga. "May mga bagay talaga na mas mabuti pa na itago nalang natin. Sa ngayon apo, hayaan na natin na mamahinga ang tita mo."seryosong tugon nito na iniiwasan na sagutin ang katanungan ko pero bakit?     Mayroon bang tinatago si lola o ang pamilya namin sa akin? May mga bagay ba akong walang alam? May mga bagay bang tanging silang tita at lola lang ang nakaka-alam? "Lola? Anong meron? May tinatago ba kayo sa akin?"malungkot kong tanong sa kaniya. "Hindi sa ganon iha. Wala akong tinatago sa'yo pero itago nalang natin ang naging dahilan ng pagkamatay ng tita mo"atsaka binitawan nito ang mga kamay ko at umayos ng upo. "Bakit? Hindi ba alam ng mga taong nandito ang pagkamatay ni tita?"tanong ko naman rito bago umayos ng umupo at sumandal.     Napatingin naman ako sa panyo na nasa kamay ko habang hinihintay ang sagot ni lola na naging dahilan ng paglingon ko sa kaniya. "Hindi"mas lalo naman akong nagtaka sa sagot nito. Bakit? Anong meron at ayaw niyang sabihin sa kanila ang dahilan ng pagkamatay nito? "Pero bakit?"tanong ko habang nakakunot na aking noo. "Mas mabuti pa na hindi nila malaman kung ito man lang ang magiging dahilan ng pagbabalik ng takot ng mga tao dito sa islang ito"makahulugan nitong sabi na naging dahilan ng mas lalong pagkunot ng noo ko. "Anong ibig mong sabihin lola?"tanong ko sa kaniya pero hindi na ito umimik pa, kung kaya ay tatanungin ko na sana ulit ito ay bigla nalang itong tumayo atsaka nilapitan ang mga kakarating lang na mga bisita.     Napatitig lang ako sa lola ko na abalang nakikipag-usap sa kanila at hindi maiwasan na magtaka sa mga sinabi nito sa akin. Ilang taon na rin ang nakakalipas simula nang magkasama kami ni lola at hindi ko alam na ganito pala ito ka misteryoso. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig pa rin sa kabaong ni tita.     Tita,Hindi ko na po talaga naiintindihan ang lahat. Ayon kay lola sasabihin niya sa akin kung ano ang dahilan ng pagkamatay mo which is nangyari naman pero may mga impormasyon talaga siyang ibinigay na kulang tita. Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging sagot ko sa mga katanungan ko kung bakit at sino ang pumatay sa'yo. Gusto ko sana na hulihin ang taong pumaslang sa'yo pero bakit parang ayaw naman ata ni lola na makealam ako sa mga nagyayari? Bakit parang iniiwasan niya na matuklasan ko ang rason kung bakit ka pinatay? o 'di kaya ay alam na ni lola kung sino ang pumatay sa iyo pero ayaw lang niyang sabihin? Tita nagtataka na rin ako sa mga katagang binitawan niya kanina, anong ibig sabihin niya sa mas mabuti pa na 'wag nalang malaman ng mga tao ang rason kung bakit ka namatay? Anong meron? Sumasakit na po ang ulo ko kakaisip sa mga nangyayari. Hindi ko pa nga tanggap ang pagkawala mo pero heto na naman, may panibago na naman. Tita sana gabayan mo ko na masagot itong lahat ng katanungan ko kasi hindi ko po talaga ito kaya.     Nagulat naman ako ng may isang malalambot at maliit na kamay ang pumahid sa pisngi ko. "Ate why awe you cwying?"bulol nitong tanong sa akin. Napatingin naman ako sa may-ari ng kamay nito at isang batang babae na may kulot na buhok at mahahabang pilik mata. Sobrang napaka-cute nito na tila ba isa itong manika. "Ate?"nag-aalala nitong tanong sa akin. Pinahiran ko naman agad ang mga luhang pumatak sa pisngi ko atska ko ito hinarap at ngumiti. "My tita just died baby girl"malambing ko sagot ko sa kaniya. "Sorry to hear that po ate"malungkot nitong sabi "Is that your tita po?"tanong nito sa akin habang nakaturo sa kabaong, tumango naman ako sa kaniya. "Tita is really a good person, she always gives me candy whenever we play together"malungkot nitong atska yumuko. hinawakan ko naman ang magkabilang kili-kili nito atsaka binuhat at inilagay sa hita ko. "Of course tita is really a good person, are you close?"malambing kong tanong sa kaniya habang inaayos ang buhok nito. "Yes po, she always pays visit"sabi naman nito but pays visit? "Ka ano ano mo si tita?"tanong ko sa kaniya. "Tita and my mom are friends, that's why"sagot naman nito at agad naman akong napatango.   "Riane? Let's go"sagot naman nito na naging dahilan ng paglingon namin dalawa. Agad ko naman na kita ang babaeng kasing edad lang din ni tita. "Hala, sorry sa istorbo iha"paghihingi niya ng pansensya sabay kuha sa nakakandong sa akin na bata. "Okay lang po"nakangiti kong sabi, ngumiti naman ito at bigla nalang din tumaas ang kilay. "Ikaw ba 'yong pamangkin ni Alexis?"tanong nito sa akin. Tumango naman ako sa kaniya, siguro ito 'yong tinutukoy ng bata kanina na kaibigan ni tita. "Sobrang daming na ikwento ng tita mo tungkol sa'yo. "sabi nito atska umupo sa tabi ko. "Talaga po?"at nagsimula na naman na pumatak ang mga luha ko. "Oo, sobrang proud ng tita mo sa'yo"masayang sabi nito sa akin habang nakatingin sa akin ng maigi. "Totoo nga pala talaga ang sinabi ng tita mo patungkol sa'yo, maganda ka nga na bata atsaka napaka independent. Nakakalungkot lang isipin na wala na itong mabait ko na kaibigan"sabi nito atsaka pait na ngumiti. Napatitig naman ako sa kaniya at kitang kita ko ang mga malulungkot nitong mga mata, hindi lang pala kami ni lola ang nasasaktan sa pagkawala ni tita kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito.     Alam kaya niya ang dahilan ng pagkamatay ni tita? "Tita.. Maari ko bang malaman kung may alam ka sa pagkamatay ni tita?"tanong ko rito na naging dahilan ng pagbuntong hininga niya. "Ikinalulungkot ko talaga ang pagkamatay niya dahil sa sakit niya sa puso. Ayon sa lola mo, bigla nalang ito hindi nagising isang umaga"malungkot naman nitong pahayag na naging dahilan ng pag taas ng kilay ko.     Sakit sa puso? Paano naging sakit sa puso ang pagkamatay ni tita? Lola? Ano ba talaga ang meron. "Bakit iha? Hindi ka ba sinabihan ng lola mo?"nag-aalalang tanong nito sa akin. Umiling naman ako sa rito "Sinabihan naman po, baka lang po hindi niyo alam ang rason sa biglaang pagpanaw nito"pagsisinungaling ko rito.        Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin dalawa at tanging mga taong nagbubulungan lang ang maririnig namin. Bigla naman itong tumayo atsaka nginitian ako "Sige iha, uuwi na kami. Gabi na rin, kinakailangan ng matulog ng anak ko. I am really sorry for your loss"malungkot nitong sabi atsaka yinakap ako. Pagkatapos non ay iginaya ko na siya papalabas atsaka nagpaalam na.   "Iha"tawag ni lola mula sa likod ko. Napalingon naman ako rito atsaka ako ngumiti. "Bakit po?"tanong ko. "Bukas na ililibing ang tita mo"pag-bibigay alam nito, tumango naman ako sa kaniya. "Magpahinga ka na, maaga ka pa gigising bukas"nakangiti nitong sabi. "Pero may mga bisita pa po"sabi ko habang tinitignan ang mga tao sa paligid. "Hindi pwedeng maiwan na walang nagbabantay sa tita mo. Kami na bahala rito magpahinga ka na" "Pero lola, kailangan mo rin po magpahinga. Atsaka kaya ko pa naman po eh"ngunit umiling lang si lola atsaka ako hinawakan sa kamay. "Kailangan mo magpahinga kasi sobrang dami nating gagawing paghahanda bukas para sa tita mo"tumango nalang ako atsaka nagpaalam na sa kaniya. Yinakap ko muna ito at umakyat na sa itaas.      I took a half bath and changed my clothes then went to bed to sleep. Tomorrow is my Tita's last day, I am really going to miss her so bad...         Nagising naman ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko kung kaya ay kinapa-kapa ko ang higaan ko at hinanap ang bagay na ito. Agad ko naman itong nahawakan at ito'y kinuha. Medyo malabo pa rin ang paningin ko kung kaya ay kinusot ko ang mga mata ko at pinikit ito ng sobrang tagal at iminulat. Tinignan ko naman ang hawak hawak kong cellphone at agad na pinatay ang maingay na alarm na ito. Sobrang aga pala; 5:30 palang ng umaga pero naririnig ko na ang mga kalampag sa labas. Agad naman akong tumayo sa higaan ko at tinignan ang nasa baba mula rito sa bintana ng kwarto ko. Kitang kita ko naman ang abala na si Lea na inaayos ang mga lamesa at 'yong iba naman ay abala sa pag bubuhat ng mga plastic na hindi ko matukoy kung ano ang laman. Hinanap ko naman sila lola pero hindi ko pa ito nakita.     Isinirado ko na muna ang aking bintana atsaka nagtungo sa higaan ko at inayos ito. Pagkatapos ay agad ko na kinuha ang tuwalya atsaka nagtungo sa banyo para maligo.     Oo nga pala. Ngayong araw na namin ihahatid si tita sa huling hantungan nito, ngayong araw na kami magpapa-alam sa kaniya. Napabuntong hininga nalang ako atsaka ako nag hubad at binuksan ang shower at nagsimula ng maligo.       Hindi naman ganoon katagal at natapos na rin ako sa pagliligo kung kaya ay agad naman akong pumunta sa kwarto at nagbihis na. Naisipan ko na mag suot ng isang puting dress na may kulay ginto itong belt na may ribbon sa harap na nagsisilbing lock. Tinali ko rin ang kalahati ng buhok ko at hinayaang malaglag ang natitirang kalahati nito. Tinignan ko na muna ang sarili ko bago ako lumapit sa gilid ng kama ko at kinuha ang cellphone ko atsaka ako lumabas sa kwarto.     Habang ako ay naglalakad dito sa pasilyo ay bigla naman na tumunog ang notification ng messenger kung kaya ay agad ko itong binuksan at binasa ang mensahe rito. "Calix, kumusta ka riyan?"tanong ng kaibigan ko na si Dhanna. Ang aga naman yata niyang magising? Wala pa ba 'tong tulog? Si Dhanna kasi ang tipo na babae na hindi natutulog ng ganoon ka aga, kumbaga natutulog ito mga bandang alas tres o dos ng umaga. Siguro maaga nga siyang natutulog, maaga para sa susunod na araw.      "Okay lang naman Dhan, ngayong araw na ililibing ang tita ko"sagot ko sa kaniya, hindi naman ito nalipasan ng isang segundo at agad nitong nag seen sa mensahe ko. "Ganoon ba? Mag-ingat kayo. Sorry at wala kami riyan para damayan ka"reply nito sa akin habang may sad emoji sa dulo ng chat nito. "Okay lang, salamat sa pag-alala ninyo. Oo nga pala, ang aga mo yata nagising ngayon?"tanong ko rito. Hindi naman ito nakapagreply agad kung kaya ay pinatay ko muna ang cellphone ko at naglakad na pababa. At bago pa ako makarating sa ibabang bahagi ng hagdan at bigla naman itong tumunog na naging dahilan ng pag tigil ko at binuksan ito para replyan si Dhanna. "Let me rephrase that. Matutulog ka na ba? 'yan dapat ang tanong mo sa'kin hahaha"sagot naman nito at napailing nalang ako. Sabi ko na nga ba, reyna talaga 'to ng puyatan eh. "Matulog ka na, baka magkasakit ka dahil diyan"nag-aalala kong chat sa kaniya na agad naman itong nagsend ng care emoji atsaka nagsabi na matutulog na siya, kung kaya ay agad akong naglakad papalabas ng bahay. "Lola"tawag ko rito na nasa harap ng pintoan at inuutusan 'yong mga taong binayaran niya para tumulong rito sa bahay. "Oh apo. Magandang umaga sa'yo"nakangiti nitong bati sa akin atsaka ako hinalikan sa pisngi. Ngumiti naman ako rito "Good morning too, la. Ano na po ginagawa niyo? May maitutulong ba ako?"tanong ko rito. "Kumain ka muna"sagot naman nito atsaka itinuro ang mga pagkain na na nakahanda sa lamesa sa labas kung saan nakalagay ang kabaong ni tita. "Sige po."sang-ayon ko rito. "Kumain na po ba kayo?"tanong ko rito, at agad naman itong tumango kung kaya ay tumalikod na ako atsaka nagsimula ng maglakad papalapit sa lamesa. Agad ko naman kinuha ang plato atsaka nagsimula ng magsandok ng mga pagkain at umupo na rito.     Habang ako ay kumakain ay tinignan ko naman ang mga tao sa paligid ko. Iyong iba ay abala sa paghahanda ng mga sangkap para sa mga pagkain na lulutuin mamaya para sa mga bisita pagkatapos ng libing. Iyong iba naman ay abala sa pagbubuhat ng mga softdrinks at iyong iba ay abala sa pag-aayos ng mga tela sa lamesa. Napatingin naman ako kay lea na nakatitig sa isang papel na nasa kamay nito.     Napa busy naman ng mga tao ngayon, aakalain ko talaga na may pista kung wala lang itong violet na ribbon sa harapan ng kubo. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.     Agad naman akong tumayo at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko atsaka umakyat sa taas para magtoothbrush at bumalik rin sa baba. "Lola tapos na po ako"saad ko sa kaniya, ngumiti naman ito sa akin atsaka inutusan ako na ayusin ang mga upuan. Agad ko naman itong ginawa at nong matapos ako ay tinulungan ko naman iyong matanda na naghahanda sa mga sakap at naghihiwa ng mga gulay.      Ilang saglit pa ay natapos din kami at agad naman nilang sinimulan ang pagluto ngunit hindi na nila ako pinatulong sapagkat nag-aalala ang mga ito na madudumihan ang damit na suot suot ko.       "Lola, wala na po ba akong maitutulong?"tanong ko rito na agad naman itong ngumiti atsaka umiling.     "Magpahinga ka na muna, isang oras nalang at aalis na tayo at tutungo na sa simbahan"tumango naman ako rito atsaka napag-isipan na libutin muna itong bahay ni lola. Nagsimula na akong maglakad papunta sa likod ng bahay at kahit dito ay may nakakasalamuha pa rin akong mga tao na abala sa kani-kanilang mga gawain. Ngini-ngitian ko lang sila at nilalagpasan. Sobrang laki pala ng bahay ni lola rito, pero sila lang tatlo ni lolo atsaka tita pero ngayon wala na si tita ay sila nalang dalawa ni lolo. Habang naglalakad ako ay sinasalubong naman ako ng malamig na hangin na nagmumula sa mga kahoy rito sa likod. Ibang-iba talaga ang buhay probinsiya sa buhay siyudad. Napak peaceful ng lugar na ito.     Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at napatigil sa malaking kahoy ng sampalok rito sa likod. Nakakamiss naman mag tamarind, parang gusto ko tuloy kumain nito. Napa ngiti naman ako ng ma-alala ko ang araw na magkasama kami ni tita na nagluluto ng tamarind at ang mga araw din na kasama ko sila mama at papa na naglalaro rito. Napaka daming memorya itong kahoy na ito. Hinawakan ko naman ito atsaka ko ito at napapikit. Rinig na rinig ko ang paghampas ng mga dahon nito dahil sa hangin at nililipad naman nito ang buhok ko kung kaya ay niraramdam ko talaga ang preskong hangin ng lugar na ito.   "Calix, tinatawag ka ng lola mo. Aalis na raw tayo"rinig kong sigaw sa hindi kalayuan. Napamulat naman ako sa mga mata ko atsaka napalingon dito. Nakita ko naman si Lea na kumakaway sa akin.    "Papunta na" sigaw ko atsaka tinignan muna sa huling pagkakataon ang puno atsaka nagtungo na kay lea.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD