"Sakay na"anyaya ni lola sa akin.
Napangiti naman ako na lumapit sa sasakyan niya atsaka ko binuksan ang pintoan sa likuran na bahagi ng sasakyan at ipinasok ang bag ko roon. Sinarado ko naman ito ng maigi bago ako umikot at sumakay sa harapan na bahagi ng sasakyan ni lola.
"Kumusta biyahe mo?"tanong ni pagkasarado ko ng pinto. Lumapit naman ako sa kaniya ng bahagya saka hinalikan siya sa pisngi atsaka nagmano.
"Kakapagod po lola,"sagot ko sa kaniya atsaka ko kinuha ang seatbelt at isinuot ito. Napangiti naman si lola atsaka ito nagsimulang magmaneho.
"Napakalayo naman kasi ng unibersidad mo rito sa atin,"tugon niya habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.
"Oo nga po, pero okay lang. Na enjoy ko naman ang biyahe. Napakaganda pala ng tanawin papunta rito,"manghang sabi ko habang nakatingin sa harapan.
"Binibigyan ng pansin kasi ng mga tao ang kapaligiran dito. Kung kaya't hindi ka talaga makakapagpatayo ng establisimento dito basta basta,"saad naman nito atsaka napangiti.
Totoo nga naman, wala akong masyadong makitang malalaking building dito. Sobrang napakadaming halaman atsaka napakadaming mga puno. May signal kaya rito? Kinuha ko naman ang cellphone ko atsaka ako nakahinga ng maluwag nong makita ko ang signal bar na puno naman.
"Huwag kang mag-alala, may wifi sa bahay,"nakangiti nitong pagbibigay alam at tinignan ako saglit.
"Oo nga po pala. Ilang oras po ba bago tayo makarating sa bahay?"Tanong ko sa kaniya atsaka binuksan ang messenger ko at pinaalam sa mga kaibigan ko na nakarating na ako.
"Labing limang minuto lang naman ang biyahe papunta sa bahay kaya wag kang mag-alala,"nakangiti nitong tugon. Tumango nalang ako atsaka ako napatingin sa kaniya.
Medyo kulubot na ang mga mga balat ni lola ngunit hindi pa rin maipagkakaila na marunong manamit itong lola ko. Hindi halata sa kaniya na mag se-setenta anyos na ito.
"Miss mo ba ako? Bakit ganiyan ka makatitig sa lola mo?"natatawang biro nito sa akin. Napatawa nalang ako atsaka itinoun ang tingin sa harapan.
"Gumaganda ka lalo lola,"pagbibigay puri sa kaniya. Natawa naman si lola ng bahagya.
"Kaparehong kapareho talaga kayo ng tita mo,"biglang malungkot niyang sabi sa akin. Natahimik naman ako atsaka naalala ang rason kung bakit ako umuwi.
Oo nga pala, namatay na si tita. Wala na nga pala akong karamay dito. Wala na rin 'yong pangalawa kong ina. Walang naging nobyo si tita kung kaya't wala itong anak o sino man na maiiwanan dito, tangin pag-aaral lang at sina lolo at lola lang ang pinagtutuonan ng pansin nito.
"Sino po nagbabantay doon?"pagpuputol ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"May binayaran akong mga tao na sumisilbi sa mga bisita natin doon. 'yong lolo mo naman ay nasa kwarto ng mga magulang mo,"sabi nito bago kami lumiko sa isang di gaanong kaliit na daan.
"Bakit siya naroroon?"tanong ko rito, nakita ko naman na medyo nagulat si lola atsaka ito tumahimik. Hindi nalang ako nangulit atsaka itinoon ang pansin sa labas.
Karamihan talaga sa lugar na ito ay mga puno, mayroon naman kaming nadaanan na bahay pero sobrang layo naman ng mga ito sa isa't-isa. Hindi ganoon kaganda ang dinadaanan namin sapagkat iyong daan ay mga malalalim na butas at may mga tubig pa rito.
Hindi man lang ba 'to inayos ng gobyerno? Hindi man lang ba nabigyan ito ng kaunting badyet para lang gumanda ang daan dito? Corruption at its finest.
"Pasensya ka na sa mga daan dito sa probinsiya iha. Hindi talaga ito nabibigyan ng pansin ng munisipyo kung kaya walang budget para ipaayos,"paghihingi ng paumanhin ni lola habang napapa-iling nalang.
"Okay lang po. Baka may budget talaga para rito pero ibinulsa lang nila,"kibit-balikat kong sabi. Natawa naman si lola rito.
"Oo nga po pala lola. Maari ko na po bang malaman ang dahilan ng pagkamatay ni tita?"tanong ko sa kaniya. Matagal naman na natahimik si lola at kitang kita ko ang paghigpit ng hawak nito sa manobela.
"Sa bahay ko nalang ipapaliwanag,"seryosong sagot ni lola.
Tinignan ko naman ito ng maigi at halata sa mukha nito ang galit at lungkot ngunit bakit siya galit? Anong meron? Hindi ko nalang ito pinansin at hinintay nalang na makarating kami sa bahay ng sa gayon ay ma sagutan na ang aking mga katanungan.
Ano na kaya ang hitsura ng bahay ni lola? Siguro sobrang makaluma na ito. Simula pa noong kapanahonan ng ninuno ko 'yong bahay na 'yon at minana lang ng mga anak nito.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami dito sa harap ng isang paaralan.
"Yati Elementary School," basa ko rito.
Isang pampublikong paaralan para sa mga gradeschool.
Hindi ito kasing laki ng mga paaralan sa siyudad. 'yong tipong mayroon lamang itong anim na classroom sa harapan na naka linya habang mayroon naman na isang kubong silid aralan sa likod nito. Napatingin naman ako sa isang maliit na parang opisina at nabasa ko roon ang katagang "Principal's Office".
"Lola, Hindi ba magsisisiksikan ang mga estudyante sa paaralan na iyan?"tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa paaralan na iyon hanggang sa tuluyan na itong mawala.
"Hindi ganoon ka rami ang mga estudyante dito apo. Mayroon lamang 30 - 40 na estudyante sa bawat seksyon na naroroon,"sagot naman nito at pinihit ang manobela pa kanan.
Medyo na gulat naman ako sa bilang ng estudyante sa lugar na ito. Posible ba talaga ang ganoong karaming estudyante? Kung sabagay hindi naman ganoon ka rami ang mga nakatira dito.
Hindi naman ganoon katagal ay nakarating kami sa isang basket ball court ng lugar na ito, dumeritso lang kami hanggang sa tumigil na ang sasakyan at pinatay na ni lola ang makina.
"Tara na, marami pa tayong bisita ngayon,"nakangiti nitong sabi akin. Tumango naman ako atsaka ako lumabas ng sasakyan. Sinalubong naman ako ng katamtamang lamig at preskong hangin na naging dahilan ng pag-lipad ng buhok ko.
Tinignan ko na muna ang paligid bago ako pumunta sa likurang bahagi ng sasakyan atsaka kinuha ang mga gamit ko, agad ko naman isinirado ang pinto pagkatapos.
Naglakad lang kami ng halos tatlong minuto bago kami makarating sa bahay ni lola. Hindi na pwede makapasok ang sasakyan sapagkat, mayroon lamang maliit na espasyo para makakaraan ang mga tao. May mahabang bakod kasi dito sa kanang bahagi ng daan habang sa kabila naman ay may mga taniman at mga kahoy ng niyog at mangga kung kaya ay ito nalang ang pwedeng daanan.
"Madam, nandito na po pala kayo,"nakangiting salubong nong isang babae sa amin at sabay lahad ng kamay nito para kunin ang mga gamit ko. Ngumiti nalang ako atsaka ibingay sa kaniya.
"Kumusta ang mga bisita rito?"tanong ni lola habang papasok kami sa bahay.
"Okay lang naman po sila. Pumunta nga po pala ang pamilyang Leano, nakikiramay daw po sila,"sabi nito ng naging dahilan ng pagtigil ni lola sabay tingin nito sa kasam namin. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan habang nakasunod sila
"Sino kamo ang nandito?"seryosong tanong nito.
"Ang pamilyang Leano po,"nauutal na sagot naman nito na bakas sa mukha ang takot dahil sa pagbago ng ekspresyon ng mukha ni lola. Natahimik naman si lola at kinuyom ang mga kamay nito sabay naglakad na papunta sa itaas.
Napatitig naman ako rito bago ito tuluyang makapasok sa isang kwarto. Anong meron? Magka-away ba ang pamilya namin atsaka ang pamilya ng mga Leano? Tinignan ko naman ang kasama ko upang tatanungin ng nagkibit balikat lang ito.
"Ihahatid na po muna kita sa kwarto mo, Miss,"nakangiti na nitong sabi atsaka umakyat na rin sa taas.
Napakaluma na nga pala talaga ng bahay na ito ngunit hindi parin mapagkakaila na hindi ito pinapabayaan, sapagkat sobrang linis at parang bago lang ito napinturahan.
Sumunod lang ako sa babae at nang kami ay maka-akyat na ng tuluyan ay napatitig ako sa malaking larawan nakaharap sa hagdanan.
Tatlong lalaki at tatlong babae. Tinitigan ko naman ito ng maigi at nakitang 'yong dalawang taong magkatabi na nakatayo ay sina lolo atsaka lola. Nakasuot pa ito ng barong tagalog atsaka filipiniana, ganoon din naman ang ibang tao na nasa larawan. Naptangin ako sa katabi ni lola na hindi ko alam kung sino ito, wala naman nabanggit si mama na may kapatid silang lalaki at sigurado rin naman ako na hindi ito ang papa ko. Lalong lalo na, hindi rin ito nobyo ni tita sapagakat naka tuon lamang atensyon nito sa pag-aaral noong bata pa ito.
"Miss?"
Naagaw naman ang pansin ko ng tawagin ako nong babaeng kasama ko kanina.
"Sorry, I'll be on my way,"sagot ko naman rito atsaka tinitigan ang lalaki sa huling pagkakataon at tumalikod na.
Iginaya naman ako ng babae papunta sa isang kwarto sa pinaka dulo ng ikalawang palapag. Kulay pink pa nga ito kung kaya nabago ang eksprisyon ng mukha ko.
"Are you sure that this will be my room?"tanong ko habang nakaturo sa kwarto na nasa harapan ko. Tumango naman ito.
Jusko naman lola bakit ito pa? Ayoko talaga sa kulay pink.
"Sige salamat,"sabi ko atsaka ko binuksan ang kwarto ko pero bago ako makapasok ay nagsalita muna itong babae.
"Magpahinga na po muna kayo,"nakangiting sabi sa akin.
"Ano nga pala pangalan mo?"tanong ko sa kaniya.
"Ako po si Lea ang bagong tagapangalaga po ng bahay,"pagpapakilala nito sa akin, tumango naman ako sa kaniya.
"You can call me Calix,"nakangiti ko rin na pakilala sa kaniya. Bahagya naman itong yumuko bago pa tumalikod.
Pumasok na ako sa kwarto ko at namangha naman sa desinyo ninto. Hindi na masama, maganda naman siya ngunit ayoko lang sa kulay talaga.
Pagkapasok ko ay agad naman ko naman nakita ang isang kabinet na may malaking salamin. Tapos ay may isang tv naman na nakalagay sa ibabaw ng isa pang kabinet na may mga libro naman sa ibabaang bahagi nito. Sa gilid nito ay lamesa na walang laman.
Hindi na masama. Maganda naman talaga.
Kinuha ko na ang mga gamit ko atsaka iniligay sa kabinet na naririrto sa kwarto. Kinuha ko na rin ang laptop ko atsaka inilagay sa lamesa atsaka isinaksak ito sa outlet. Nagbihis na rin ako bago humiga. Kinakailangan ko tumulong sa lola ko mamaya kung kaya ay matutulog nalang ako ng dalawang oras.
Napatingin naman ako sa digital clock na nasa cellphone ko at nakitang alas-sais na ng gabi, kinuha ko ito atsaka nagpa-alarm na ng 9 pm.
Nagising naman ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Agad naman akong napa-upo sa higaan ko at kinuha ito sabay patay. Ang sakit ng ulo ko, sa haba ng biyahe ko dalawang oras lang talaga na tulog ko. Bumuntong hininga naman ako bago tuluyang bumangon atsaka pumunta kabinet at kumuha ng damit atsaka pantalon, agad naman akong nagbihis. Lumapit muna ako sa may kabinet na kung saan ang salamin atsaka tinignan ang aking kasuotan. Okay naman, simple lang siya.
Pagkatapos kong tignan ang sarili ko ay agad na akong pumunta sa banyo atsaka naghilamos at sinuklayan ang buhahag kong buhok. Okay na, okay na 'tong postura ko. Agad naman akong bumaba, nakasalubong ko naman si Lea.
"Gigisingin na po sana kita,"nakangiti nitong pahayag sa akin. Tumango at ngumiti lang ako sa kaniya.
"Nasaan nga pala si lola?"tanong ko rito.
"Nandoon sa labas po. Nakikipag-usap sa mga bagong dating na mga bisita,"tugon naman nito. Hindi na ako umimik atsaka lumabas na ng bahay. Naroon sa isang kubo inilagay ang kabaong ni tita kung kaya't walang pumapasok dito sa loob ng bahay ni lola. Agad ko naman itong hinanap at nakita ko naman siya sa may pintuan.
"Lola,"tawag pansin ko rito. Napatingin naman ito sa akin at napangiti.
"Buti naman at nagising ka na,"sabi nito.
"Pasensya na po at medyo natagalan,"paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya, tumango lamang ito sa akin.
"Papasok lang po ako. Pupuntahan ko lang si tita,"malungkot kong pahayag atsaka unti-unting lumapit sa kabaong ni tita.
Naiiyak akong naglalakad papalapit dito. Isang puting kabaong na pinapalibutan ng iba't-ibang klase na puting bulaklak at sobrang napaka liwanag nito. Mayroon naman na nakapaskil na larawan sa gilid nito at hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak ng makita ang nakangiti kong tita sa larawan na iyon. Hinay hinay lang akong lumapit sa kaniyang kabaong na tila ba ayaw ng paa ko na lumapit pero kinakailangan. Kinakailangan sapagkat kailangan ko muling makita si tita, 'yon nga lang ay hindi na ito humihinga. Lumalabo na ang paningin ko habang lumalapit ako rito, ramdam ko naman ang mga titig ng mga taong nasa paligid ko na tila ba nagtataka kung sino ako ngunit hindi sila ang dapat kong pagtuonan ng pansin kung hindi ay ang tao na nasa harap ko. Hindi rin ganoon ka tagal ay nakalapit na ako rito at kitang-kita ko sa mga mata ko ang walang malay at namumutla kong tita na tanging ang make up lang nito ang nagbibigay buhay sa kaniyang maamong mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak ng sobra.
Tita? Tita? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon mo ka pa nawala? Tita kailangan kita rito eh. Kailangan kita ng sobra pero bakit ganoon? Bakit pati ikaw ay kinakailangan mawala? Bakit pati ikaw kinakailangan kunin niya sa akin? Tita naman e'. Nangako ka pa sa akin na dadalhin mo ko sa Palawan diba? Pero bakit ka nawala? Bakit? Miss na po kita tita. Miss ko na po 'yong mga biruan natin atsaka mga tawanan natin. Miss ko na po lahat, tita naman. Bumangon ka na riyan please.
Humahagolgol lang ako ng iyak ng biglang may tumapik sa balikat ko. Kung kaya ay napalingon ako rito at nakita ang mga naluluhang mga mata ni lola. Agad ko naman itong niyakap at napaiyak ng sobra.
"Lola.... Bakit pati si tita?"tanong ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Hindi lang umimik si lola habang hinahaplos ang aking likod.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdaman ang lungkot na ito. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Wala na akong tita na bibisitahin ako sa dormitoryo o tita na kasing vibes ko lang. Umiiyak lang ako sa harap ng kabaong ni tita na halos mahigit isang oras bago ako iginaya ni lola paupo sa harapan nito.
"Tahan na...,"ayon naman ni lola habang hinihimas pa rin ang likod ko. May inalok naman itong panyo sa akin na agad ko naman na tinanggap.
"Punasan mo muna mga luha mo apo, alam natin pareho na ayaw na ayaw ng tita mo na makita ka na umiiyak,"pait na ngiting sabi nito. Napasinghot naman ako bago ko pinunasan ang magkabilang pisngi ko.
"Ang unfair naman kasi ni tita lola e', sabi niya pupunta pa kami sa Palawan pero bakit naman nawala na siya?"malungkot kong sabi habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.
"Isipin nalang natin na, sobrang bait ng tita mo kung kaya ito kinuha ng maaga ng panginoon sa atin,"malungkot ngunit seryoso nitong tugon sa akin.
"But Why would she leave so early? I need her la,"
"May mga tao talaga na kinukuha sa atin ng maaga apo. Hindi lang natin alam kung kailan kung kaya habang nandiyan pa sila sa tabi mo. Sulitin mo na ang mga oras na kasama sila,"makahulugang sabi nito habang inilagay nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.
"Namimiss ko na po siya lola,"tanging sabi ko habang nakatingin sa kabaong nito.
"Gayundin naman ako apo,"malungkot nitong pahayag atsaka napayuko.
Hindi na ako nag atubiling ipagpatuloy pa ang aming usapan kung kaya tumahimik nalang ako habang patuloy na pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko. May mga tao naman na lumalapit sa amin, sinasabing sila ay nakikiramay ngunit nakatitig lang ako sa kabaong ni tita at hindi sila pinapansin.
Sana masaya ka riyan tita.Susunod din ako soon, siguro hindi na muna sa ngayon. Magkasama na kayo nila mama atsaka papa. Ikamusta mo po ako sa kanila at pakisabi na rin na miss na miss ko na rin sila pareho. Bantayan niyo nalang po kami nila lola atsaka lolo riyan sa itaas. Alam kong nakagabay lang kayo sa amin.
Abala pa rin ako sa pagpunas sa aking mga luha ng bigla akong kinalabit ni lola.
"Kumain ka muna,"nakangiting tugon nito habang may hawak-hawak na plato na may lamang mga pagkain. Sa lalim na iniisip ko ay hindi ko man lang napansin ang pagkuha ni lola ng pagkain. Ngumiti lang ako sa kaniya atsaka kinuha ang plato na iyon pero hindi pa rin ako nagsisimulang kumain.
"Alam ko na labis ka nalulungkot sa pagkawala ng tita mo ngunit kinakailangan mo rin kumain,"ayon kay lola. Napalingon naman ako sa harapan atsaka bumuntong hininga at tinignan ang pagkain ko.
Wala akong gana kumain pero ayoko naman mag-alala si lola. Kinuha ko na ang kutsara at agad na nagsimulang kumain, hindi ko man ito na ubos ay labis naman ang saya sa mga mata ng lola ko.
"Tapos na po ako, ayoko na,"sabi ko atsaka ibinigay kay lea noong dumaan siya sa harap ko.
"Okay lang apo,"sabi nito.
"Lola, hanggang ngayon hindi mo parin sinasagot ang tanong ko kung bakit namatay si tita,"sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya, nakita ko naman ang bahagyang pag-gulat nito at ang pagbuntong hininga ng malalim.