Masiyado akong disappointed sa mga kaibigan ko. Akala ko may tiwala sila sa’kin pero bakit nila ako nilalayuan? Ganoon ba talaga ‘yon? Hindi man lang sila nag-abala na tanungin ako kung ano ba talaga ang totoong nangyari o kung ano man ang ginagawa ko. “Calix?” tawag ng isa sa mga kaklase ko sa akin. Napatingin naman ako rito at nakita itong awkward na ngumiti sa akin, “Bakit?” Tanong ko rito. “Pwede ba magpaturo sa part na ‘to?” Tanong nito sa akin sabay turo sa dala-dala nitong notes. “Pasensiya ka na. May ginagawa pa kasi ako e’, okay lang ba kung mamaya nalang?” Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito atsaka tumango bago nagpaalam. Ibinalik ko nalang ang atensiyon ko sa notebook ko ng biglang bumukas ng pagkalakas-lakas

