Calixta’s Point of View Nagising ako bigla ng makaramdam ako ng bigat sa braso ko, pag-tingin ko rito ay nakita ko rito si Lea na mahimbing na natutulog at mugto ang mga mata. Hinay-hinay ko naman na tinanggal ang braso ko sa ulo niya atsaka maingat na tumayo mula sa kama. Gusto kong kumain, nagu-gutom ako kaso baka magalit na naman si lola sa akin at baka hindi ko rin maiwasan ang paglapit sa kwarto nila lolo. Napa-tingin naman ako sa study table ko nang makita ko na nakabukas ang lamp mula rito. Ngayon ko lang napansin na naka-patay na ang ilaw sa kwarto ko at tanging ang ilaw nalang mula roon ang nagbi-bigay liwanag sa kwarto. Na pansin ko naman ang isang tray na naroroon na may plato na may lamang pagkain atsaka tubig. Lumapit naman ako rito atsaka bin

