“Bakit ba?” Inis na tanong ko sa kanila at agad na hinila ang kamay ko. “Tara na Calix, ‘wag mo na pansinin si Jake. Iwasan mo nalang siya,”seryosong sabi ni Amani habang umiiwas ng tingin sa akin. Ano ba kasi ang meron sa Jake na ‘yon? Bakit ba hindi pwedeng lapitan ‘yon? Atsaka isa pa, naninibago ako sa kini-kilos ni Amani. “Bakit nga? Bakit ko siya iiwasan? Kaklase natin siya kaya natural lang na pansinin ko ‘yon,”reklamo ko rito, tumalikod naman si Amani at nagsimula ng maglakad at sumunod naman ang dalawa. Dali-dali naman akong sumunod sa mga ito, “Ano ba kasi ang meron? Gusto ko lang naman malaman e’,”halos pa-sigaw kong sabi sa kanila. “Huwag mo nalang pansinin iyon kung hindi ay mamamatay ang buong pamilya mo!” Sig

