Lumipas na ang dalawang linggo at lahat ng mga kaklase ko ay nakaka-usap ko na pwera nalang pala kay Jake. Masyado itong Aloof sa amin at tuwing bakanteng oras ay lagi nalang itong lumalabas sa classroom namin at hindi ko alam kung saan ito papunta. Nagba-basa lang ako ng libro patungkol sa Java Programming nang biglang may kumalabit na naging dahilan ng pag-lingon ko rito. “Calix, pwede ba paturo sa part na ‘to? Hindi ko kasi alam kung saan ako nagkamali e’. Ang daming bug,”kamot-ulong sabi nito at tinuro ang screen ng kaniyang laptop. “What subject ba ‘to?”tanong ko rito na agad ko na ini-scroll ang ang compiler nito. “Sa Electives natin ‘yan,”sagot naman nito at kinuha ang upuan ni Kath na hanggang ngayon ay wala pa rin. Late na naman yata ‘yon. “Oh okay, wait, I will try to run it

