Hindi imposibleng malaman agad ng mga tauhan ni Treous ang lokasyon niya. Hindi mahirap na hanapin siya lalo pa at nandito lang naman siya malapit lang sa Paredez. Hindi naman talaga siya lumayo. Napatulala siya nang maalala ang sinabi ni Carrie. Ang ama niya ang mismong pumatay sa ama ni Treous kaya ito naghihiganti sa ama niya. At siya ang gagawing daan para makaganti sa ama niya. Hindi siya makapaniwala. Hanggang ngayon parang gusto niya pa rin isipin na hindi siya magagawang saktan ni Treous. Kahit papaano ay may pinagsamahan sila at... nangako ito sa harap ng altar. Pinakasalan siya nito. At iniisip niyang totoong minahal nga siya nito. Naiiyak na tinanaw niya ang karagatan. “Salome.” Napalingon siya sa likod nang marinig ang pamilyar na boses. “P-Papa.” Nanghihina niyang ba

