Kanina lamang ay maingay ang mga bata na naglalaro habang binabantayan ni Treous. Katatapos lang maghapunan at kasalukuyan niyang chine-check ang report ng pinagkakatiwalaan niyang tauhan sa kompanya. Pagkapasok niya sa silid ay naabutan niya si Treous na nasa tabi ng dalawang bata na tulog na tulog na ngayon. Hindi ito natulog nanatili lang na nakamasid sa dalawa. Napagod ang dalawang bata sa maghapon na paglalaro kasama ang ama nila. Dahan-dahan na bumangon si Treous para umupo ng maayos sa kama. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Bahagya nitong hinila ang kamay niya upang maupo sa kandungan nito. Sumusob ang mukha nito sa leeg niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga doon. “Pasensya ka na sa kakulitan ng dalawa,”aniya at yumakap dito. “Hmm, I'm fine with it and I love it.” Yumak

