Nagising siya nang may maramdamang nakatingin sa kaniya sa paligid. At nang magmulat ng mata ay ang ngiti ni Treous ang sumalubong sa kaniya. "Morning,"bati nito sabay halik sa kaniya sa noo. Napaawang ang kaniyang labi nang pagmasdan ang mukha nito. Para pa ring isang panaginip ang lahat. Hindi niya lubos akalaing nangyari ang lahat ng iyon sa kanila. Muntik nang masira ang kaniyang pamilya. Muntik nang mawala sa kanila ang ama ng kaniyang mga anak. At parang kailan lang noong mangyari ang mga iyon. Kaya pakiramdam niya ay nananaginip pa siya. "Morning, Treous." Mangha pero nagawa niya pa rin na ngumiti dito. "Nasa baba na ang mga bata. Hindi ka na nila nahintay na gumising." Mahina siyang natawa dahil sa narinig. Ngunit kalaunan ay may naalala siya dahilan para mamilog ang kaniy

