Kabanata 3 - book 2

2178 Words

Kahit namumutla na ang mama niya ay nagawa pa ring madala sa hospital. Ngunit ang balita ng doktor ang tila nagpabagsak sa buo niyang pagkatao. “She's dead on arrival,”ani sa isang malagum na boses ng doktor. Ang kaniyang Papa ang humarap sa doktor at kanina pa matalim ang tingin nito sa kaniya. Tila galit nang makarating sa hospital. Pagkatalikod ng doktor ay nagulat siya nang isang malakas na suntok ang pinakawalan ng kaniyang ama-amahan sa pader ng hospital. Nakita niya kung papaano iyon dumugo. “P-Papa...” Natatakot siyang nakatitig dito. Naninibago siya sa nakikita sa ama. Hindi niya pa kailanman ito nakitang ganito kagalit. Dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito ay napabaling ito sa gawi niya. Napasinghap siya nang bigla nitong haklitin ang braso niya at hinila kung saan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD