Living as Elagrue is like a dream. Fancy house interior, long tables in a dining area. Maraming tauhan, maraming katulong. Pricey foods, presyo na kaya nang bumuhay sa kaniya ng isang buwan. Being an Elagrue is an absolutely high standard life. Hawak ni Salome ang basahan habang pinagmamasdan ang napakaraming libro sa napakalawak na library ng mansyon. Màmamatay siyang hindi mararanasan ang ganito karangyang buhay. Gayong kung iisipin ay lahat ng nakikita ng kaniyang mata ay hindi ang lahat ng yaman na mayroon ang Elagrue. “Tapos ka na ba diyan?”sumilip ang katulong na si Clarita. May pagka istríkta na tinaasan pa siya ng kilay. “Ah, opo! Kakatapos lang!” Ngumiti siya sa babae. “Tumulong ka sa kwadra. Mangangabayo ngayon ang mga kaibigan ni sir Daniel. At tsaka isa ka rin sa sasama

