Book 2: "THROUGH THE ROUGH WIND" “Nanggagayuma ang ina niyan. Kita mo? Nagawa niyang gayumahin ang mayamang negosyante sa Manila. Tapos ito namang si Grego, sinalo naman ang Mama niyang batang iyan. Hindi na nahiya, pinaangkin pa sa ibang lalaki ang anak niya sa iba.” “Kàpal talaga ng mukha!” Napayuko si Solen habang tinitingnan ang mga mumurahing candy sa bangketa. Day-off ng mama niya sa mansyon ng mga Elagrue. Kaya nagtungo siya dito sa sentro para sana gumala saglit. May paborito siyang candy sa tindahan dito na binabalik balikan niya. Kaya lang hindi niya maiwasang marinig ang mga masasamang mga salita ng mga tsismosang nag-uusap tungkol sa Mama niya. “Maganda iyang batang iyan. Tiyak gagaya iyan sa ina niyang malàndi. Syempre, saan ba nagagamit ang ganda? Di ba para mang-akit n

